Ilang salita? ilang salita ba ang kailangan?
Tatlo? Apat, lima? Sabihin mo kung ilan
Dahil handa kong ubusin ang isang diksyonaryo
Upang bumalik lang ang dating tayo.
Ah! Hindi na pala mangyayari ang aking iniisip
Dahil matagal ng nawala ang pag-ibig, puso''y naidlip
Ang daanan papunta sayo'y naging mas masikip
Dahil may iba ng pag-ibig, sa nilalakbay ko ang tumakip.
Pitong salita lang ang kailangan kong marinig
Pitong salita na magmumutawi sa iyong bibig
"Mahal pa kita, bumalik ka na sana"
Kaso mukhang hindi ko na ito makukuha.
Sa isang daan, ito ang ikapito
Ang makata na nag-aantay sayo
Ay unting-unti ng nawawalan ng lakas
Maaaring ang pag-ibig ay hindi na abutin ng bukas.
~End~
[Author's Note]
Hello guys ! Whoa... >_____<
Hindi ako makapaniwalang may mga magbabasa nito.
I mean, wow. Almost a hundred reads?!! Whajakjhajdhwkj
Thank you guys! For reading my simple poems.
Salamat din sa mga nag-add sa kanilang reading list ng aking obra.
Da best kayo guys.
BINABASA MO ANG
Isang daang tula ng Pusong Lumuluha
PoetryIsang Koleksyon ng mga tula, para lamang sa isang tao. Para sa mga taong pinaasa, umaasa, nagbigay ng pag-asa Para sa mga taong lumuha, lumuluha at patuloy sa pagpatak ang luha Para sa mga taong nanatili, nananatili at patuloy sa pananat...