TENTH CHAPTER~

17 0 0
                                    

Napagkwentuhan na ata namin lahat ng pwedeng mapagkwentuhan noong kami ay bata pa. Ibang comfort pala ang nararamdaman kapag may kasama kang schoolmate mo ngayong college.. E wala kasi akong schoolmate nung high school na dito nag-aaral sa university e, atleast meron siya, kahit elementary schoolmate pa. At dahil sa daldal niya, hindi namin namalayan na andito na pala kami sa bahay, nag-enjoy akong kausap siya, impernes. But it's time to say goodbye na, may gagawin din kasi ako eh. (Ano naman daw? Ang isipin lahat ang sinabi niya, hehe kala mo kung ano no?) "O dito na ako, salamat sa paghatid" sabi ko sa kaniya. Pero parang ayaw niya pang umalis kaya tinulak tulak ko siya na para bang pinagtatabuyan. Kaso hindi ko siya matulak ng buong buo kasi naman ang laki niyang tao. Nagulat na lamang ako nang yakapin niya ako. Once again, i'm not prepared for this moment, tigidig tigidig my heart. Gusto ko sanang magbiro at sabihing kakasuhan ko siya ng harrassment pero tila ba ayaw kong magsalita at ramdamin na lamang ang sandaling nasa bisig niya ako. Naks naman, makata na pala ako ngayon. Ilang segundo rin niya akong yakap bago niya ako tuluyang bitawan at sinabihang mag-ingat ako. Patawa naman siya, nandito na ako sa bahay pero ako pa ang sinabihan niyang mag-ingat, e siya dapat kasi uuwi pa siya. Teka, san nga pala siya nakatira? Sa tagal naming nag-usap ay hindi ko natanong. At ang mas importante ay ano ang pangalan niya?

Kanina pa pala siya nakaalis at naiwan akong nakatunganga sa labas ng bahay. Kung hindi pa umambon ay hindi pa ako aalis sa aking kinatatayuan, naman kasi bakit ang hilig kong matunganga? Dali-dali na akong pumasok sa bahay dahil lumalakas na ang ulan at nang bubuksan ko na ang pinto ay.... nadulas ako! Eto na yung naudlot kanina na aking pagdulas sa campus, buti na lang at dito na sa bahay. Tawa ako ng tawa dahil naalala ko ang sinabi ni Koreano kanina, na mag-ingat ako, nakakatawa naman, dapat pala nag-ingat ako. "Neng, ilan ang nahuli mong palaka?" pagtatanong ng landlady naming si Tita Flor, na agad akong pinagbuksan ng pinto. "Tita naman eh" sabi ko saka sinundan ng tawa. "May nadulas bang masaya?"sabi naman ng isa ko pang boardmate na si Ate Jess. (Ayan, kumpleto na, bale lima ang boardmates ko-si Ate Lets, Ate Sha, Ate Jess, si Trix and ofcourse si Tita Flor. O diba happy family kami?) Back to the story.. "Wala ate, may naisip lang kasi ako" sabi ko naman. "UY si LJ, lalaki na naman ba iyan?" pang-aasar naman ni Trix. "Oy hindi ah, pag may naisip lalaki agad?" sagot ko naman daw. "O sige na neng, magpalit ka na ng damit mo kasi ang dumi mo oh" pagtatapos ni Tita, buti na lang to the rescue siya kung hindi, hindi ako titigilan nitong si Trix.

Gabi na at sa wakas ay nag-dinner ako. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapagluto dahil busy-busihan kuno. Ngayon ay nasa mood ako kasi inspired ako, patunay ang masarap na luto kong adobong manok. Minsan kasi ay maalat, o kulang sa lasa ang mga luto ko kaso ngayon ay perfect lamang sa aking taste. Nabusog ako ngayong araw na to, hindi lang sa pagkain kundi sa kasiyahan. J

Start of a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon