SEVENTH CHAPTER~

17 0 0
                                    

Nagising ako ng madaling araw. Napahaba ang tulog ko at hindi na ako nakakain ng dinner. Nagutom ako kaya lumabas ako sa kwarto. Naabutan ko sa sala si Ate Sha, boardmate ko mula sa isang kwarto. "Until what time bukas ang office mo ate?"pagtatanong ko, mukhang magpupuyat na naman kasi si ate. As usual, ang sagot niya ay indefinite ang bukas ng kaniyang office. Ngumiti na lang ako at naghanap ng makakain. Buti nalang at mayroon pa akong bread kaya yun ang kinain ko saka ako uminom ng gatas e di solve!

Dahil kagigising ko lang ay naghanap na lang ako ng pagkakaabalahan. Kinalkal ko yung mga gamit ko at naghanap ng mababasa. Napansin ko ang isang piraso ng papel na lukot na lukot, hindi ko maalala na may nalagay ako sa bag ko na ganun. Ano naman kaya ang nakasulat dito? Nagulat na naman ako. "I like you " Hay naku kung may sakit lang ako sa puso ay malamang naatake na ako, kanina pa ako nagugulat e! Sino naman kayang baliw ang nagsulat nun? Hindi rin naman pala ako nakakasigurong para sa akin yun kasi walang pangalan. Malay natin may nagtapon lang nun sa bag ko, akala basurahan. Wala namang ibang naghawak ng bag ko di ba? Hmmm. Wala nga ba? Parang may nakalimutan ako ah. Ano na yung nangyari kanina..?

Ohmyshoes! Ngayon ko lang naalala. bakit ba kasi wala ako sa sarili ko kanina?! Nakakahiya naman yung kanina, pinagbitbit ko ng bag ko yung di ko kilala. Pero siya naman ang nagkusa eh, kaso hindi pala ako nakapagpasalamat, super fail lang talaga oh! Teka, may nabanggit ata siyang Bukas ulit, kaya bukas nalang ako magte-thankyou sa kaniya. Hay.. ano ba bukas? Wednesday pala, mag-eexplain din ako kay Harra at kukwentuhan ko nalang rin siya tungkol sa nangyari sa akin kanina at nung isang araw. Wala naman yatang masyadong gagawin bukas este mamaya sa mga subjects ko eh kaya parang natutukso akong mag-absent. Oh tukso, lumayo ka sa akin, mabilis lang akong matukso, parang awaaaaaa.

Napagpasiyahan kong matulog na ulit at inisip si Koreano. Kamusta na kaya siya? Bakit niya kaya ako sinundan kanina? Kilala ba niya ako? Hay andaming tanong sa aking isip. Mamaya rin ay dapat yun masagot kasi kukulitin ko siya. Kaya kelangan ko na matulog para hindi ako antukin mamaya at makapag-isip ako ng mabuti.

WHAT HE THINKS..

Magtatapat na ako sa kaniya bukas, sasabihin ko na ang lahat at yayayain ko siyang makipag-date. Hindi ko na siya papakawalan pa, sana ay wala siyang mahal na iba.Pero willing naman akong maging kaibigan muna siya kung yun ang gusto niya, wag lang ulit siya mawala sa akin..

Start of a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon