CHAPTER 16: END OF THURSDAY

12 0 0
                                    

Nakasimangot akong umalis ng campus, dala ng mga kamalasang nangyari sa akin sa pagkahaba-haba ng araw na 'to. Habang pauwi ako sa bahay ay may nadaanan akong aso, sa sobrang kadesperaduhan na may makausap ay.. tumigil muna ako at napagpasiyahang kausapin siya.. Buti ka pa, wala kang problema.. Parang ansaya saya mo.. Samantalang ako.. Alam mo ba ang pinagdaanan ko ngayong araw? Una, nagsinungaling lang naman ang kaibigan ko sa akin, kahit na joke joke man yun, masakit yun no! Pangalawa, natamaan ako ng bola sa ulo.. pero dahil dun ay nakita at nakausap ko si Lee (kaso saglit lang) Pangatlo, nadulas ako sa hagdan. At ang huli, eto ako ngayon..Para akong baliw na kinakausap ka..

Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko ha? HA? HA? SUMAGOT KA! Hmp. Tse, walang kwentang kausap, makaalis na nga.."Ang baho mo, ble!" huling hirit ko sa aso. Tinahulan ako ng aso at mukhang nagalit, Although for sure ay hindi niya naman naintindihan ang sinabi ko.:p Pero nagulat ako ng bongga dahil hindi pala siya nakatali kaya naman..

TAKBOOOO! Oopsie!Wrong move. Dapat pala hindi ako tumakbo para hindi niya ako habulin. Pero hinahabol na niya ako e kaya kumaripas na ako ng takbo patungo sa boarding house... Comeon, ilabas na ang running skills mo LJ, malayo pa ang tatakbuhin mo! Huh. Sumali kaya ako sa marathon, 100 meters nga lang pero yun. Lumingon ako at hinahabol parin ako ng aso, matibay tong isang to, kelangan ata gamitan ko ng ibang style. Kahit malaki ang tsansang gula-gulanit na ang damit ko at may rabis na ako kinabukasan ay..

Huminto ako at sumayaw ng teach me how to dougie. Ohyeah, come on, gumana ka sa asong to.. Hindi ito magic ha kaya wag kang mag-expect na sasayaw yung aso.. HUMINTO YUNG ASO.. "Brownie! Tu tu tu tu" tawag ng isang lalaking may edad na. Sana ito na yung may-ari ng aso please.. "Oh nandito ka pala, anong ginagawa mo dito? Bakit umaalis ka nang walang paalam?" pagkausap niya sa aso.

Hooray! Hindi na ako hahabulin ng aso dahil dumating na ang kaniyang sundo! At hindi lang ako ang baliw dahil maski siya ay kinakausap ang aso niya. Mwahahaha. "Tara na brownie (tapos harap sa akin) pasensya ka na bata sa aso ko, mahilig kasi siyang sumunod sa mga bata at makipaglaro" At umalis na nga sila.. But this is unforgivable! Bata? Ako? Hey! Mukha naman akong dalaga ngayon!! Kapag ba maliit, bata na? Hindi ba pwedeng kulang lang talaga sa height?! Kainis ka koya, pero okay lang atleast wala na ang mabaho mong aso. Hmp. Ayheyt your dog and Ayheyt you too manong.

Maya-maya ay nakarating na ako sa boarding house.. kaso may problema na naman.. Sarado ang bahay at..WALA AKONG SUSI! O sige na, ako na po talaga ang malas ngayon. Pagod pa naman ako, gusto ko nang humilata sa kama. Haaaaay.. Ilang minuto rin akong nakaupo sa labas ng gate nang dumating na si Tita Flor, ang aming landlady. "O bakit andito ka sa labas neng?" "E tita naiwan ko po kasi yung susi ko e"-sagot ko. Binuksan na ni Tita ang pinto at pumasok na kami.. "Naiwan o iniwan?"-tanong niya. "Iniwan po hehe"-sabi ko. "Ikaw naman neng, masyado bang mabigat yung susi mo at ayaw mong dalhin?" –siya. "Hindi naman po, kaso.. huhu Tita" Hindi ko na napigilang umiyak, yung iyak ng maarteng bata na hindi napagbigyan sa gusto niya...

"O anong problema mo?"-tanong ni Tita. "Naiinis lang po talaga ako tita e. Kasi naman po.." At nagkwento na ako, kahit talaga pagod ako ay nagagawa ko paring magkwento no? Pero okay lang, medyo nabawasan naman ang stress na aking nadarama, naks! "At yun nga Tita, hinabol pa ako ng aso.. buti hindi niya ako naabutan" –pagtatapos ko sa kuwento. "O ano ba kasi ang ginawa mo neng e alam mong hindi nakatali yung aso?"-siya. "Hindi ko naman po napansin e saka.. uhm.. kinausap ko lang naman po tapos tinahulan ako kaya tumakbo ako"-ako. "Neng ang aso hindi yan nakakapagsalita, nangangagat yan" –pangangaral ni Tita. "Sabi ko nga po tita, hehe sige po magpapahinga muna ako. " At saka ako pumasok sa kwarto, humiga sa kama at natulog.

Alas sais nang naramdaman kong may pumasok sa kwarto. "LJ" narinig kong sabi ni Ate Lets. "Ay tulog, may ikkwento pa naman sana ako" Bigla akong bumangon. "Ano yun ate?"-ako. "O bigla kang nagising ha. Haha. Tungkol dun sa ikwinento mong lalaki dati"-siya. "Hay naku ate, alam ko na ang pangalan niya"-ako.

Ako & Ate Lets: MOSHY LEE

"Pano mo nalaman ate?"-ako. "Kasi siya pala yung kaklase namin na crush ni Belle"-sagot niya. (Si Ate Belle ay kaibigan ni Ate Lets) "Ah, alam mo ate ngayon ko lang na-realise.. diba nagsabi ka dati ng clue na.. Nagsisimula sa letrang M at nagtatapos sa letrang ang pangalan niya?"-ako. "May sinabi ba ako? Tsamba lang siguro yun. Haha. Hay naku, patay na patay si Belle sa Lee na yun"-siya. "Ganun ba ate? Hmm. Nagkausap kami kanina ate e"-ako. "Talaga? Nag-date kayo? Uyy. Kapag nalaman to ni Belle siguradong magseselos siya"-pang-iintriga ni Ate. "Chika naman 'tong si Ate, huwag mong sabihin ah. Hmm. Hindi kami nag-date.. ganito kasi yung nangyari.." At muli ay ikwinento ko ang aking experience ngayong araw..

"Hahaahaha ang malas mo naman"-siya. "Kaya nga ate, nakakainis.. Hmm. Maiba ako ate, ano naman yung kwento mo tungkol kay Lee? "-tanong ko. "Yun nga, na kaklase namin siya at crush siya ni Belle.. "-siya. "Ah.. hmm. Madaldal ba siya sa klase ate? Kasi kapag magkasama naman kami e makulit siya at salita ng salita"-ako. "Hindi e, tahimik lang siya tsaka mukhang suplado"-siya ulit. "Yun nga rin ang first impression ko sakaniya ate e pero hindi naman pala"-ako na naman. "O kamusta na kayo ngayon? Lumelevel-up na ba ang relationship status? Hehe"-tanong niya. "Chos. Naku ate, nasa "getting to know each other" stage pa lang kami no saka wala naman akong balak magkaboypren.. you know naman me.. mabilis magsawa"-pagtatapat ko. "Wag ka nga, madami ang may crush dun sa lalaki mo no baka maagawan ka pa niyan haha"-siya. "Correction hindi ko siya lalaki no, si ate talaga.. Schoolmate lang kami, dun nalang muna"-ako. "Sabi mo eh"-siya.

Ngumiti nalang ako bilang sagot..Hay.. Ayoko muna kasi ng boys sa aking life, sabi ko nga dati.. hindi naman ako naghahanap pero kung sakaling may dumating ay okay lang. Isa pa, hindi ko naman kasi lubusang kilala yung si Moshy.. Hindi ko rin alam kung totoo ba ang mga sinabi niya.. Masyado nang matagal nung elementary no! Waler na akong maremember. Kung andiyan siya e di nandiyan.. Kung wala e di wala..Hindi ko naman siya hinanap.. At hinding-hindi ko siya hahanapin kapag nawala siya..

Start of a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon