NINTH CHAPTER~

15 0 0
                                    

Natapos na ang klase at wala pa ring nangyayari. Ah alam ko na, kukulitin ko muna si Harra na ilibre nya ako sa canteen. Isang hakbang na lamang at makakalabas na ako sa room nang biglang may humawak sa braso ko na parang pinipigilan ako. At sino naman tong ugok na to, hadlang to sa kaligayahan ko ah. Haharap na sana ako at susungitan kung sino man ang taong ito kaso nagsalita siya bigla. "Hi LJ," pamilyar na boses ang narinig ko, si...?"Koreano," pagkukumpleto ni Harra na nasa labas na at tinitignan pala ako. Ayoko munang lumingon, hindi prepared ang face ko sa moment na ito kaya naman nag-hello ako habang nakatalikod at sinabing "puwedeng sa labas na lang?" with matching 'hehe' na halatang pilit. Hanobayan.

Hindi na natuloy ang pagpa-palibre ko kay Harra at hindi man lang siya nagpaalam sa akin, hmp. Well, ang balon. Ano na? Dead air. Magsasalita na sana ako, kaso ano naman ang sasabihin ko? Kamusta ka, ganon? Bakit mo ako ihahatid, ganyan? Hay. Labo, sige na nga, pasubok. "Heler? Salamat pala kahapon sa pagbitbit ng bag ko, hehehe. Nakalimutan kong magpasalamat" sabi ko na mukhang energetic, at the same time apologetic. "Okay lang iyon, nag-enjoy naman akong kasama ka" sagot niya. At nambola na agad ang manong. "Teka bakit mo naman ako hinatid? Hindi nga tayo magkakilala eh" pagtatanong ko. "Kilala kita, crush kita noon eh" pagtatapat niya. Natigilan ako, sino nga ba tong lalaking to? Bakit niya ako kilala? Crush daw? Hindi kaya maniac to? O baka naman may balak siyang masama sa akin?!? "Parang awa niyo po. Huwag po, menor de edad pa ako. Hindi pa ako nakakapagparami ng lahi, madami pa akong gustong gawin"pagmamakaawa ko kay Koreano turned stalker, teka crush lang stalker na agad? Hindi ba puwedeng.. uhm. Nevermind. Natuwa ata siya sa mga pinagsasabi ko at napakalutong ng tawa niya. What's funny dude? Ansarap batukan nito ah, natatakot ako hindi nagpapatawa.

"Schoolmate mo ako dati sa Eastside Christian Academy, sinusungitan mo nga ako dati eh" sabi niya. Schoolmate? E wala naman akong maalala na mukhang Koreano dun ah, at tsaka bata pa ko nun, hindi ko masyadong ma-recall. "Binigyan pa kita ng sulat dati at sinabing I like you kaso hindi mo na ako pinansin pagkatapos nun.. sinusundan din kita dati, pero bigla ka namang nawala sa school" dagdag niya. "Ah, nag-transfer kasi ako e.." sagot ko. "Kaya pala, ang tagal kitang hinanap.." sabi pa niya. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko, may nagkakagusto sa akin dati at naalala pa niya ako ngayon, wow, amazing. Pero bakit ngayon lang at bakit naman kaya? Parang ilang taon na kasi ang lumipas mula nun, nakapagtataka lamang at dito sa campus pa kami muling nagkita. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya dahil sa sobrang daming tumatakbo sa isip ko. "Hey, nakikinig ka ba? I know na nakakagulat ang mga narinig mo but please maniwala ka sa akin, i'm not lying" sabi niya sa akin nang mahalata ang pananahimik ko. Heler ulit, ano siya? Syempre dinadamdam ko muna ang mga pangyayari, masyado akong na-overwhelm. Teka, inhale exhale ulit at talon talon muna para makapag-isip ng mabuti. Nakamasid lamang siya sa akin habang hindi ako mapakali at biglang niyang sinabing, "Ang cute mo pa rin tulad ng dati." Inayos ko na ang hitsura ko saka siya hinarap. Ngumiti, at sinabing... "Salamat dahil hinanap mo ako. "

Start of a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon