CHAPTER 14: #KALOKABESS

976 22 0
                                    


Arken's POV

Sa sala nakahiga ako sa sofa habang nanonood ako ng television. Sinulyapan ko ang wall clock. Alas otso na ng gabi at hindi parin bumababa si Yesha. Wala ba itong balak na mag-dinner?

Maya-maya ay nag-send ako ng message kay Yesha.

Messenger :

Arken: "Hey!"

Yesha: "Yes?"

Arken: "I can't sleep"

Yesha: "I can! Goodnight!"

Napabuntong hininga ako. "Arrgh! Napaka-maldita niya talaga sa'kin!"

Lumipas ang ilang sandali, bigla akong natigilan. Sa gilid ng aking mga mata, napansin ko ang isang babae na naka-pure white dress. Dahan-dahan akong nagbaling ng tingin sa babae.

"Aahh...!" eksaheradong hiyaw ko. Halos mahulog ako sa hinihigaan ko.

Ang magaling kong kababata na si Yesha, puting-puting ang mukha nito.

"Ano ba naman 'yan! March palang pang-november na ang hitsura mo!" singhal ko dito.

Humalakhak lang si Yesha and her laugh echoed entire house.

"Ano ba 'yang nilagay mo diyan sa mukha mo, para kang tanga!" tanong ko dito sa mataas na boses.

"Mash-banana with milk." kibit balikat na sagot nito pagkuwan ay tumungo na ito sa kusina.

"Kinabahan ako doon ah." bulong-bulong ko. Hinimas-himas ko ang aking dibdib.

"Kumain ka na ba?" tanong nito na noo'y nasa kusina na ito.

Crazy Inlove With My Mortal EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon