Yesha's POV
"Tara laro tayo!"
Halos sabay pa kaming napalingon ni Clarence sa may-ari ng tinig.
Si Steve, may hawak itong bola ng volleyball. Nasa likod nito si Arken.
"Hi!" ang masayang bati ko kay Arken.
"Gaga, heto na 'yong perfect timing para isagawa ang First base!" sigaw ng utak ko.
Lumapit ako kay Arken, matamis ang ngiting iginawad ko dito. Maya-maya ay nakipag-holding hands ako dito.
"Halla! Babatiin mo ako sabay hawak sa kamay? Ibang klase rin 'no!?" asik sa'kin ni Arken.
"FYI, 'yan ang malupet na moves ng mga dyosang katulad ko!" pilyang turan ko dito pagkuwan ay inakbayan ko ito.
"Uyy! Chansing na 'yan ah!" gilalas ni Arken.
"May sasabihin lang ako! Mabilis lang 'to, promise!" sambit ko. Tumingkayad ako at bumulong ako malapit sa tenga ni Arken. "I love you...!" agad akong tumalikod matapos kong sabihin ang mga katagang 'yon.
"Pare, hanep pumorma ng manliligaw mo ah!" tudyo ni Clarence kay Arken. "Sa'n ka pa!?"
Nagkibit balikat lang si Arken sa tinuran ng kaibigan nito.
"'Yan si Yesha! ang manok kong pangsabong! Tuka ng tuka!" nakangising bulalas naman ni Steve at nakipag-apir pa ito sa'kin.
Magkahalong kaba at hiya ang nararamdaman ko. Sa ngalan ng kalandian kailangan kong maging matapang. Syempre batang laban ako eh!
Nakz! Achieve! Congrat's sa'kin matapang na ako. First base is done!
"Uyy! Sali kami diyan!" patiling hiyaw ni Fatima. Tumatakbo ito papalapit sa kinatatayuan namin. Nakasunod sa kanya si Lydah.
"Umpisahan na natin ang laro." pukaw ni Steve at tinapik pa nito ang bola.
"Game na!" ang masayang sabad ni Arken.
"Ka-team ko sina Lydah at Fatima." wika ni Steve.
So, ibig sabihin ang dalawang gwapong ito ang ka-team-mate ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Arken at Clarence.
"Okey call. Kaming tatlo naman ang team." sambit ni Clarence. Sinulyapan niya ako pagkuwan ay nakangiting nakipag-high-five ito kay Arken.
BINABASA MO ANG
Crazy Inlove With My Mortal Enemy
HumorAso't pusa kung matatawag sina Arken at Yesha. Sa tuwing magkasama sila ay may giyera sa pagitan nila. Number one basher nila ang isa't-isa. Away dito, away doon. Subalit hindi naman nila kayang mabuhay ng wala ang isa't isa. W...