Yesha's POV
Lumipas ang dalawang linggo. Tuluyan ng nakalabas sa hospital si Arken. Umuwi narin sa Manila ang mga magulang nito, para asikasuhin ang mga negosyo ng mga ito.
Lunes. Maaga akong gumising para magluto ng almusal. Matapos kong magprito ng itlog, hotdog at hash-brown. Kumuha ako ng dalawang tasa at nag-timpla ako ng kape. Maya-maya ay nag-slice ako ng apple at orange. Ngumiti ako. Excited akong naghain sa lamesa. It's been a long time ng huli kaming nagkasalo ni Arken sa almusal.
Akma na sana akong aakyat sa hagdan nang matigilan ako. Pababa ng hagdan si Arken.
"Good morning baby ko." nakangiting bati ko kay Arken.
"Baby?" sarkastikong turan nito. "Kailan mo pa ako naging anak?"
"Sungit!" eksaheradong wika ko.
Tumakbo ako papalapit dito, pagkuwan ay inalalayan ko itong bumaba.
"Sa susunod tawagin mo ako kung bababa ka ng hagdan, baka mahulog ka!" sita ko dito.
"Look, okey na ako! Hindi mo na ako kailangang alalayan!" pabalang na sambit nito at tinabig nito ang kamay ko, pagkuwan ay nauna na itong pumunta sa kusina.
"Grabe siya!" bulong-bulong ko sa aking sarili. "Kung gaano kasama ang ugali niya noon, mas double ngayon." napa-iling-iling nalang ako. Maya-maya ay sumunod na ako dito.
"Baby ko, a---."
"Huwag na huwag mo nga akong matawag-tawag na baby! Hindi mo ako anak, at lalong-lalo na hindi kita nanay!" magaspang na putol nito sa sinasabi ko.
Bigla akong natameme sa mga sinabi nito. Pinagmasdan ko ito. Seryoso ang mukha nito habang kumakain. Simula noong magising ito, ni minsan ay hindi manlang ito ngumiti sa'kin. Kahit kaharap na niya ako, parang hindi niya ako nakikita. Halos hindi niya ako kibuin. Kung kakausapin man niya ako, lagi itong galit sa'kin.
Sobrang nakakapanibago. Ang dating makulit at mapang-asar na Arken ay naging tahimik na at bugnutin. Minsan ang hirap pala 'pag nasanay kana sa isang tao, siguradong hahanap-hanapin mo ang mga kagaguhan niya.
Tahimik na lumapit ako dito at umupo ako sa katapat ng upuan nito. Tumikhim muna ako bago ako sumandok ng pagkain sa plato ko.
"Oppa." tawag ko dito.
Nag-angat ito ng mukha. Matalim ang mga tinging ipinukol nito sa'kin.
"Kumain kana nga lang diyan." kaswal na saad nito pagkuwan ay ipinagpatuloy nito ang pagkain.
"Mahal mo ba ako?" maya-maya ay tanong ko dito.
Bigla itong nasamid sa tanong ko. Agad itong uminom ng tubig. Hinimas-himas nito ang dibdib nito pagkuwan ay umubo ito.
BINABASA MO ANG
Crazy Inlove With My Mortal Enemy
HumorAso't pusa kung matatawag sina Arken at Yesha. Sa tuwing magkasama sila ay may giyera sa pagitan nila. Number one basher nila ang isa't-isa. Away dito, away doon. Subalit hindi naman nila kayang mabuhay ng wala ang isa't isa. W...