Yesha's POV
Afternoon. Tumigil na ang malakas na ulan. Sumilip ako sa labas ng bintana at halos hindi ko maaninag ang paligid dahil sa kapal ng fog.
Lumabas ako sa aking kwarto. Bakit parang wala yatang magulo at maingay. Nasaan kaya si Arken? Halos malibot ko na ang buong kabahayan. Subalit hindi ko parin ito makita.
Patakbo akong lumabas ng bahay. Tinignan ko ang garahe at wala ang sasakyan ni Arken. Nagpalinga-linga ako sa paligid.
"Saan kaya pumunta ang gagong 'yon?" bulong-bulong ko sa sarili ko.
Akma na sana akong papasok sa loob ng bahay nang matigilan ako. Sunod-sunod na busina ang narinig ko mula sa labas ng gate.
Kilala ko ang busina na iyon. Ang sasakyan ni Arken. Agad kong binuksan ang gate. Nang maipasok na ni Arken ang sasakyan nito, muli kong isinara iyon.
"Oppa, saan ka pumunta?" tanong ko ng makababa ito sa sasakyan.
"Bakit? Na-miss mo ba ako agad?" pilyong turan nito sa halip na sagutin ang tanong ko.
"Duh..!" palatak ko. "Huwag ka ngang feeling diyan!"
Binuksan nito ang passenger door ng sasakyan at inilabas nito ang isang basket na pina-malengke nito. Si Arken ang tipo ng taong marunong sa buhay. Marunong itong mamalengke, magluto, maglaba at higit sa lahat marunong ito sa gawaing bahay.
Maya-maya ay ini-abot nito sa'kin ang isang paper bag.
"Ano 'to?" kunot noong tanong ko.
"Pasalubong ko sa'yo, ano pa nga ba." anito at isinuot nito sa'kin ang hawak nitong sombrero.
Habang naglalakad ako papasok sa loob ng bahay, tinignan ko ang laman ng paper bag. Nanlaki ang mga mata ko nang matunghayan ko ang dalawang shawarma at dalawang Starbucks. Opps! Wait! Meron pa. Binuksan ko ang plastik ng national bookstore at tumambad sa'kin ang limang pirasong wattpad books.
Alam ni Arken na mahilig talaga akong mag-collection ng books.
Sa sobrang tuwa ko ay nilingon ko si Arken. Nagulat pa ito sa ginawa kong paglingon. Bumangga kasi ito sa'kin at muntik na kaming maghalikan.
"Bilisan mo, ang bigat ng bitbit ko eh!" basag nito sa tensiyon na namagitan samin. Bahagya itong lumayo sa'kin.
Napasulyap ako sa bitbit nitong basket. Hindi ako natinag sa inis na lumarawan sa mukha nito.
Bigla ko itong niyakap. Ang sarap talagang magkaroon ng kuya. Sa tuwing umaalis ito, lagi itong may dalang pasalubong sa'kin 'pag balik nito. Pasalubong pa more. Haha!
Bigla akong natigilan nang may maalala ako. Kahapon lang mag-kaaway kami ni Arken ah. Tapos ngayon, kung makayakap ako sa kanya wagas? Anyare ??? Awkward...!
Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap ko dito. Isang pilit na ngiti ang iginawad ko dito.
Tumikhim si Arken pagkuwan ay bahagya nitong inilapit ang mukha nito sa mukha ko. Nagtama ang suot naming sombrero ni Arken.
"Bess, 'yung totoo? Nagkaka-gusto ka na ba sa'kin?" tanong nito. Ang mga mata nito ay nangniningning sa tuwa.
BINABASA MO ANG
Crazy Inlove With My Mortal Enemy
ЮморAso't pusa kung matatawag sina Arken at Yesha. Sa tuwing magkasama sila ay may giyera sa pagitan nila. Number one basher nila ang isa't-isa. Away dito, away doon. Subalit hindi naman nila kayang mabuhay ng wala ang isa't isa. W...