Yesha's POV
Tapos na ang long-weekend. Tapos narin ang maliligayang araw na paggala. Now, back to reality.
Habang bina-baybay namin ni Arken ang kennon-road paakyat sa Baguio City, nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Maya-maya ay inilabas ko ang kamay ko at dinama ko ang malamig na simoy ng hangin.
"Ipasok mo nga 'yang kamay mo! Gusto mo bang maputol 'yan ha!" pagalit na saway ni Arken sa'kin.
Binalingan ko si Arken na seryoso sa pagmamaneho.
"Oo na!"palatak ko, pagkuwan ay humalukipkip ako at mataman kong pinagmasdan ang mga bundok na nadadaanan namin.
Kay gandang tignan ang mga ulap na bumababa at unti-unti bumabalot sa kapaligiran. Ang bawat falls na madaraan namin ay kinukuhanan ko ng picture.
"Med. Tech. ka diba, bess?" basag ni Arken sa katahimikan.
Maang akong napabaling dito. "Oo, bakit?" pataray kong tanong.
"Itutuloy mo ba sa pagiging Medicine?"
Napataas ang isang kilay ko. Kelan pa ito nagka-interesado sa course ko?
Sa halip na magtanong ako ay sinagot ko nalang ito."Oo, mag-me-medicine ako! 'Yon naman talaga ang pangarap ko eh! Ang maging isang Doctor."
"Ako, ang pangarap ko noong bata ako, gusto kong maging astronomers." anito.
"Hindi ko tinatanong!" kibit balikat na komento ko.
Napangisi ito sa kagaspangan ng pag-sagot ko.
"Pangarap mo palang maglakbay sa kalawakan, bakit hindi mo ituloy? Pumunta ka sa mars o kaya naman sa Pluto nalang mas malayo,para hindi na kita nakikita!" mahabang litanya ko.
Bumungisngis ito. "Kapag ako nawala, pustahan tayo mamimiss mo din ako." wika nito sa makahulugang tinig. Kumurap-kurap ito.
Napalingon ako kay Arken. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang mga luhang nangilid sa mga mata nito. Saglit akong natigilan. Anong problema nito? Bakit bigla yata itong naging emotional?
Sinulyapan ako ni Arken pagkuwan ay tumawa ito. "Kapag naging Doctor kana, gamutin mo ako ha!"
"Bakit? May sakit ka ba?" kaswal na tanong ko.
"Meron!" matipid nitong sagot.
BINABASA MO ANG
Crazy Inlove With My Mortal Enemy
UmorismoAso't pusa kung matatawag sina Arken at Yesha. Sa tuwing magkasama sila ay may giyera sa pagitan nila. Number one basher nila ang isa't-isa. Away dito, away doon. Subalit hindi naman nila kayang mabuhay ng wala ang isa't isa. W...