Ako si Jam Gil 19 years old 5'4 ang height , sLim , morena , mahaba buhok , maganda daw sabe ng mama ko nung nabubuhay pa ito at isa akong homosexuaL !!
ako naLang magisa sa buhay namatay kase mga maguLang ko nung nasunog yung bahay namen sa Cebu . ako nalang din magisa bumubuhay sa sarili ko . MALUNGKOT ? Oo sobrang Lungkot. wala rin akong alam na kamag anak as in AKO naLang mag isa ! waLa rin akong kapatid Only ChiLd kase ako. Neron akong besfriend si Jasz kaso nasama din sya sa mga namatay sa sunog T.T
nung namatay ang mga magulang ko nagpasya kong Lumuwas ng maynila Para nakipag sapaLaran naisip ko kaseng mas maganda kung dun ako mag aaral habang nag tatrabaho (working student) tutal meron namang naipon si mama at papa sa bangko eh. yun nalang gagamitin ko para makapag simula.
Ano kayang buhay ang mayron sa mayniLa ?? natatakot ako na nae-excite.
Dito ko sa VaLenzueLa nangupahan maliit lang tong bahay sala lang at isang kwatro. yung lappy (laptop) at CellPhone nalang yung nakuha dun sa bahay namen nung nasunog ito. yung mga damet ko naman bigay lang nung mga taong naawa sa sinapit ng buhay ko ! hayyyy ;(
kelangan kong maghanap ng trabaho para sa pagkain araw araw saka sa pagaaraL ko ! san kaya ko makakahanap ? bahala na maghahanap ako ! hindi pwede sumuko. malakas ka Jam kaya mo yan !!
KINABUKASAN ~
habang naglalakad ako pauwi ng bahay ..
"BAKLA BAKLA BAKLA , hahhaha !" sigaw nung dalawang bata habang sumasayaw. they are reffering to me.
nginitian ko nalang sila saka tuloy tuloy nalang ako sa paglalakad pauwi.
inasahan ko nayun bago ko lumuwas dito sa maynila, yung mga taong nangungutya, mapanghusga , sa mga katulad kong isang HomosexuaL.
kailangan kong maging matatag dahil ako nalang nag isa . kailangan kong lagpasan lahat ng pagsubok sa buhay ! at kaiLangan kong makapagtapos ng pag aaral para matupad ko lahat ng mga pangarap ko !!!
hmm ! speaking of pag aaral gaLing ako sa school ng PUP ( Polytecnic University of the Philippines ) para sa entrance exam. hindi naman mahigpit sa PuP eh okay lang kahit mahaba buhok ,may kulay , saka kahit may gf/bf okay lang basta matalino ka Pwede na !
SANA MAKAPASA !!
anyways
usapang pag ibig naman tayo NBSB ako as in !! No Boyfriend Since Birth ! hindi ko alam kung baket wala kong naging boyfriend o kahit kalandian man lang. HAAAAY iba kase ko eh ! nde ako katulad ng ibang GAY out there . parang natatakot ako na ewan , basta !! yun na yon !! ><
Paguwi ko ng bahay binuksan ko kaagad yung Lappy ko wala na kase akong gagawin na eh Alas 5 palang ng hapon. Facebook Facebook Lang ang Peg ko hanggang gabi !
pagbukas ko ng Laptop ko nakita ko yung waLLpaper ko si Mama saka si Papa magkayakap sila sa picture makikitang masayang masaya yung dalawa sa larawan. ako kumuha nito nung anniversary nila ! tanda ko pa to. nakatingin lang ako ng maigi sa picture nilang dalawa. titig ba titig ako ! nang maramdaman ko ang pagtulo ng Luha mula sa aking mga Mata.
"Ma,Pa miss na miss ko na po kayo *hik* pangako po magtatapos ako ng pagaaral para matupad ko lahat ng pangarap ko ! *hik* kasama na po kayo dun ! magpapakatatag po ako Ma,Pa. *hik* aLam ko namang nanjan lang kayo lage sa tabi ko eh para gabayan ako *hik* Mahal na Mahal ko po kayo Ma,Pa !" TT_TT
yun lang at diko na namalayan na nakatulog nako sa sobrang kaiiyak !
* hooooops *
____________________
nagustuhan nyo sana ! :*
hindi na ko mag hihintay ng Votes and Comment ! itutuloy kuto hanggang matapos ! :*
mwa mwa !
iLoveyouReaders :*
harry ~