Chapter 2

190 7 0
                                    

Lea's pov

Its been 5 years from leaving that house of hell. Yes, house of hell nga.
Demonyo yung kasama ko eh, deserve niyang iwanan. Sa dinami-dami ba naman ng taong makikilala ko ay dun pa talaga sa taong hindi karapat-dapat mahalin. He broke me, he broke our promise, he broke our family pero nagpapasalamat parin ako na sinasaktan niya ako dahil natuto akong maging matapang. Until now may trauma parin ako sa pinagkakagawa niya pero na control ko na, hindi ko talaga makakalimutan ang kademonyohang ginawa niya sa buong buhay ko.
I have an angel but I have a demon husband—Ex husband.
Simula nung tumakas ako wala na akong balita sa kanya, hindi ko alam kung nagpaparehab ba ang lalaking yun at isa pa wala na akong paki sa kanya.
Magpakalulong nalang siya sa droga hangga't gusto niya, nawasak ang buhay namin dahil sa paggamit niya sa bawal na gamot na yan.
He's not like that before pero simula nung may mga naging bago siyang kaibigan, nahahawa na siya sa mga pinagkakagawa nito.
Simula na rin yun ng pagiging battered wife ko.

"mommy?"

I wiped my tears using my thumb hindi ko pinapahalatang umiyak ako.

"hello there my love"

I smiled upon seeing this beautiful creature.

"are you crying ma?"

"Hindi ah" I lied

"Ma, I know you very well. You're crying again, aren't you?"

Fine, I lose again

"Yes anak, i'm crying. May naaalala lang kasi ako"

"Oh, tsk. Stop it na ma, sinasaktan mo na naman ang sarili mo. Wag mo ng ibalik ang nakaraan dahil nakatakas na tayo. Ang importante, masaya na tayo at malayo sa kanya"

She hugged me, ang anak ko nalang ang meron ako ngayon.
May ilan ring nanligaw sakin noon pero hindi ko pinansin dahil mas focus ako sa anak ko.

Minsan nga napag-isip² ko na paano kung darating ang panahon na babalik siya sa buhay namin, tatanggapin parin kaya siya ng anak ko.

Eto kayang puso ko, titibok parin kaya sa taong yun.

Ari's pov

5 years is long enough to let the pain remain. nakapag move on na ako, malaya na kami ni mommy, ayoko na ring bumalik sa nakaraan. demonyo ang daddy ko, i hate him so much, ginawa niyang impyerno ang buhay namin noon at hindi ko na hahayaang maulit pa yun. Sobrang nasaktan si mommy, she's like a shell na kailangang ingatan para hindi mabiyak pero wala eh nawasak na at nabiyak pa ang puso niya nang dahil sa taong yun which is my dad.

Let me rephrase that, hindi ko nga pala siya daddy. Siya na mismo ang nagsabi na hindi ko siya ama kaya sino ba ako para kilalanin siya, diba?

Kung alam niya lang kung gaano ako nasaktan, anak niya ako pero bakit ganun?

-----------------------------

Itutuloy......

Broken Hearts (LeAga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon