“Sorry, pero break na tayo”
“Ano? Tama ba narinig ko? Nakikipagbreak ka na sakin?
“Oo, matagal ko ng pinagisipan ito, pinilit kong ipagsawalang bahala ang lahat ng ginawa mo sa akin pero hindi ko na talaga kinaya.”
“Ano bang mga ginawa ko sa’yo para iwanan mo ako ng biglaan?”
“Dapat alam mo iyan? Sawang sawa na ako sa pagunawa sa’yo?”
“Ano bang nagawa ko? Sabihin mo sakin ang mga ginawa ko at babaguhin ko.”
“Huwag ka ngang ta***. Huwag mo akong gaguhin na wala kang nalalaman.”
“Please naman, babe, ayusin natin ito. Hindi ko kayang mawala ka sakin.”
“Bakit? Noon bang mga panahong kailangan kita, dumating ka ba? Hindi ba mas inuuna mo pa mga kabarkada mo kaysa sakin tapos magagalit ka pa na kinukulit kita.”
“Nagagawa ko lang naman iyon kasi nahihiya ako sa mga kabarkada ko.”
“Bakit? Sakin? Hindi ka nahihiya? Mas nahihiya ka pa pala sa mga kabarkada mo kaysa sakin? Ano ba ako sa’yo, laruan na saka lang hinahanap pag nabobored lang?”
“Sorry na nga please!!!”
“Huwag kang umiyak. Bakla ka ba? Hindi na ako magpapadala pa sa kadramahan mo. Lumuhod ka man sa harap ko, hinding hindi na kita kayang balikan pa!”
“Nagmamakaawa ako, ayusin natin ito.”
“Tumayo ka nga dyan! Tigilan mo na iyang ginagawa mo.”
“Huwag mo akong iwan, hindi ko talaga kakayanin pag nawala ka.”
“Sumama ka na lang sa mga babae mo! Hindi ba mas masaya ka sa kanila?”
“Sa’yo lang ako masaya. Ikaw lang ang gusto kong makasama.”
“Huli na ang lahat. I’m done. I’m tired of you. I’m tired of everything. Please, stop it.”
“Sorry, sorry, sorry.”
“Goodbye!”
BINABASA MO ANG
Chasing Real Love [ON-GOING SERIES]
Non-Fiction"Chasing Real Love" Copyright © TopsyKretts21, 2014 All rights reserved Author's Note: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resem...