Chapter V - Jose

31 1 0
                                    

        Bumaba agad ako ng sasakyan ni Sir Yael ng makita kong naguumpisa ng kumumpol ang mga tao sa entrance ng mall. Panigurado, bukas na ang SM.

        “Huwag mong kalilimutan ang mga sinabi ko ha” pahuling paalala sa akin ni Boss Yael.

        “No problem , sir” sagot ko sa kanya.

        Nakita ko ang pag-alis ng sasakyan ni Sir. Malamang busy ito kaya wala na siyang time para makipagkita sa babae. Kung anuman, wala rin naman akong magagawa kasi Boss ko si Sir Yael. Nag-umpisa na akong pumila papasok sa entrance ng mall.

        Nang makapasok ako, dumiretso agad ako sa department store para bumili ng chocolate. Medyo malapit lang sa entrance na pinasukan ko ang naturang store.

        Nang makapasok ako, dumiretso agad ako sa stand ng mga chocolate.

        Cadbury, Goya at kung anu-ano pang chocolate ang nakikita ko. Pero specific ang chocolate na pinabibili ng Boss ko.

        “Ferrero”

        Nakita ko sa isang stand ang ferrero. Kumpul kumpol ang mga ferrero sa stand. May 3 pieces, 5 pieces at ang pinakamalaki nila na hugis puso.

        Syempre, agad kong kinuha ang pinakamahal at pinakamalaking ferrero package.

        Naglakad agad ako para magbayad sa cashier pero napansin ko ang bouquet of flowers na nakadisplay sa isang sulok ng mall.

        “Tamang tama, hindi ko na kailangan pang maghanap ng bulaklak.”

        Nang makapagbayad ako, lumapit agad ako sa saleslady ng flowers at nagtanong ng pinakamahal nilang red rose. Ibinigay naman agad sa akin ang pinakamahal nilang bouquet of red roses.

        “Okay na ito, wala na sigurong dahilan para magalit ang babae ni Boss. Napakamahal kaya nitong nabili ko.”

        Habang naglalakad ako patungong Gerry’s Grill na nasa second floor, halos magmukha akong artista kasi pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko, mga nakaupo at kahit mga saleslady.

        “Swerte naman ni girl, hihihi”

        “Naiinggit ako”

        Ilan lang yan sa mga naririnig ko sa mga nakakasalubong kong babae sa paglalakad ko. Paano ba naman kasi eh ang laki ng bouquet ng flowers na dala ko at ang ferrero na binili ko. Wala naman silang alam na hindi naman ako ang may-ari nito kaya go lang. Feel the attention.

        Malapit na ako sa Gerry’s Grill. Relax lang, makikipagtagpo ka lang naman sa babae, iaabot ang bulaklak at chocolate at aalis ka na rin kaagad. Kinakabahan kasi ako dahil first time ko lang gawin ito sa isang babae. Kahit tagadala lang ako, nandoon pa rin ang pressure na nararamdaman ko.

        Nang makita ko na ang pintuan ng restaurant, may nakita agad akong babaeng nakaupo sa pwesto na tinutukoy ni Sir. Nandito na siya. Mas lumakas ang tibok ng puso ko. Bakit ganito? Anong gagawin ko paglapit ko? Paano ko siya kakausapin? Pero taga dala lang ako at iaabot ko lang naman ito.

        Mahaba ang buhok ng babae at nakatalikod ito mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko makita ang mukha niya. Mukhang maganda ang babae ni Boss, mula sa mahabang buhok nito hanggang sa maputing balat nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Real Love [ON-GOING SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon