“Aalis na ako ‘nay”.
“Anak, magiingat ka!” pasigaw na paalam sa akin ng aking ina.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa aking night shift na trabaho bilang isang call center agent.
Mabilis lang ang naging byahe ko mula sa bahay patungo sa building ng pinagtatrabahuhan ko dahil gabi at walang ganung sasakyang bumabyahe.
“Hello, this is costumer service, I’m Joseph Justine Del Rosario, how may I help you?” agad na may tumawag na costumer sakin pagkaupong pagkaupo ko pa lang sa aking upuan.
Mas kilala ako sa tawag na Jose for short. Bread winner ako sa aming pamilya kaya kailangang kumayod ng husto para matustusan ang aking pamilya. 28 anyos na ako, single at nakatira sa isang simpleng bahay sa Batangas City.
“Is there any other concern to you ma’am?”
“Thank you for calling customer service.”
6:00 PM hanggang 12 midnight ang shift ko ngayong linggong ito. Kailangan ng pagtiyagaan kasi ito na ang trabaho na pinasok ko. At saka reasonable naman ang sweldo ng mga call center agent. Sapat na para sa isang buwan na gastusin sa bahay. Pandagdag na rin sa pantuition ng kapatid ko.
“Alas-nwebe na pala, nakakagutom.” Hindi ko namalayan ang oras dahil sa dami din ng tumatawag sa akin.
“Jose, break ka muna”. What a timing, iniisip ko pa lang ang pagkain, bigla din naman akong tinawag ng manager namin para magbreak.
“Thank you, sir”
Tumayo agad ako sa upuan ko at lumabas ng building para pumunta sa paborito kong tuhug-tuhog. Sobrang sarap talagang kumain ng kwek-kwek. Nakafifty pesos din ako sa kwek-kwek. Sorry but I can’t help it. I really really love kwek-kwek.
'Natapos ang shift ko ngayong araw na ito at halos alas-3 na rin ng madaling araw ako nakauwi sa bahay.
%%%%%%%%%%%%%%%%%%
“Anak, tanghali na, gising ka na!”
Naalimpungatan ako ng gisingin ako ng malumanay na bati sa akin ng aking pinakamamahal na ina habang hinihimas niya ang aking braso. Mas naramdaman ko talaga ang pagmamahal niya sa kanyang ginawa.
“Kain ka na muna”
“Sige po nay” sabay bangon ko para tiklupin ko ang aking hinigaan at magayos ng sarili.
“Nga po pala nay, may bibilhin lang ako mamaya sa mall.”
“No problem anak” sagot sa akin ng aking ina habang hinuhugasan ang mga pinagkainan ng aking mga kapatid.
“Nga pala anak, magtituition na si Renz this month, ikaw na ang bahala ha”
“Sure nay, ako na po ang bahala, don’t worry po. Ok?”
“Salamat talaga anak sa pagiging mabuti mo ha, maswerte talaga kmi ng mga kapatid mo na naging anak kita.”
Nakatalikod man si inay sa akin dahil sa paghuhugas niya, Ramdam ko ang unti unting paglakas ng hikbi niya. Kahit ngumunguya pa ako ng pagkain, tumayo agad ako at dahan dahang niyakap ang aking ina sa likuran.
“Wala namang ibang magtutulungan kundi tayo tayo din naman diba?”
Ramdam ko ang unti unting pagpatak ng luha ng aking ina. Pinaharap ko siya sa akin at pinahid ng aking mga kamay ang mga luha niya sa mata.
“Salamat talaga anak ha.”
Sa pagkakataong iyon ay niyakap na rin ako ng aking ina kahit basang basa ang mga kamay nito.
%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%
“Sige nay, lalakad na ako, babalik rin ako kaagad.”
“Okay anak, ingat ka ha.”
Abalang abala ang aking ina sa pagggantsilyo ng damit para maibenta niya sa palengke.
“Kuya, pasalubong ha.”
Agad kong nilingon ang kapatid ko na kasalukuyang naglalaro ng laruan niyang kotse.
“Oo naman, ano bang gusto mo?”
“Jollibee kuya.”
“Sige ba, Chicken Joy.”
“YEEEHHHEEEYYY!!!”
Ramdam ko ang kasabikan ng kapatid ko sa manok. Matagal na rin kasi ng huli siyang nakakain ng manok.
Narating ko na ang mall. Plano kong bumili ng isang libro. Kahit anong libro. Libangan lang.
Dumiretso ako sa isang Bookstore.
Ano kayang mapili? Nilibot ko ang buong bookstore para makapili ng maayos.
Nakarating ako sa shelf na puro fiction ang tema.
Habang binubuklat ko ang isang libro para tingnan ang laman nito, napalingon ako sa ‘di kalayuan at nakita ko ang isang babae na tila tulala na nakatingala sa mga libro sa isang shelf.
BINABASA MO ANG
Chasing Real Love [ON-GOING SERIES]
غير روائي"Chasing Real Love" Copyright © TopsyKretts21, 2014 All rights reserved Author's Note: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resem...