Nacurious ako sa kanya. Parang gusto ko siyang malapitan. Hindi ko alam kung sa anong dahilan pero kusang humakbang ang aking mga paa patungo sa kinaroroonan niya.
Papalapit ako ng papalapit sa kanya. Ginugulo ako ng aking isip. Anong una kong dapat sabihin? Do I have to say “Hi!”? Dapat ko muna ba sya kulbitin para mapansin ako? Hindi kaya ako nito sampalin at mapagkamalan akong manyak nito.Baka magsisigaw ito.
“Ahhhhhhhhhhhhh!!! Bahala na” bulong ko sa sarili ko. Malapit na talaga ako. Hindi ko makita ng malinaw ang mukha niya kasi nakatagilid at nakatingala siya.
Nilakasan ko na loob ko. Binabaan ko ng konti ang boses ko para magmukhang gentleman sa kanya. Tumabi ako sa kanya at tumingala na gaya ng ginagawa niya.
“Miss, hindi mo ba makita ang hinahanap mo?”
Pasimple akong lumingon sa kanya para makita ko kung nakikinig siya sakin.
Biglang namula ang mukha ko ng paglingon ko, nakita ko siya na nakatingin na sakin.
Wwwooowww!!! Ang ganda niya. Parang anghel sa ganda. Mula sa kumikinang nyang tuwid na buhok hanggang sa matangos niyang ilong, mga matang parang naghihypnotize ng tao hanggang sa kanyang namumulang kissable lips. Love at first sight.
Alam kong nagulat siya sakin dahil bigla na lang akong sumulpot sa tabi niya. Pero mas nagulat ako sa sinabi niya sakin.
“Ahh, wala akong hinahanap.”Matipid niyang sagot sakin.
“Umalis ka na, halata namang ayaw ka niyang makausap.” Gusto ko ng sundin ang ibinubulong ng konsensya ko sakin at umalis na lang. Baka nga naman magalit pa ito sakin kasi makulit ako at sampalin pa ako. Pero iba ang ginawa at sinabi ko. Sa halip na lumayo na ako, lalo pa akong lumapit sa kanya at sinabi,
“May problema ka ba?”
Muli na naman siyang lumingon sa akin na sa pagkakataong ito ay may halo ng pagtataka sa mukha niya.
“Baka may maitutulong ako.”
Ayaw na ayaw ko ang nakikigulo sa problema ng ibang tao pero sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung bakit gustong gusto ko siyang tulungan.
“Sino ka ba?” tanong niya sakin.
Ramdam kong naguumpisa na siyang makulitan sakin. Bakit nga naman hindi agad ako nagpakilala.
“Ahm, sorry, I’m Joseph Justine, but you can call me Jose for short.”
Kailangan kong pagandahin ang impression ko sa kanya para hindi siya mailang sakin. Iniabot ko ang kamay ko sa kanya para makipagkamay upang ipakita sa kanya na mabuti akong tao.
Tinitigan niya muna ako ng isang sandal na wari ba’y iniexamine ako mula ulo hanggang paa. Wala akong nagawa kundi ngumiti at magbiro. Bahala na kung waley o havey.
“Bakit Miss? May dumi ba ako? Heheh.” Sabay labas ng nakamamatay kong ngiti.
Sa unang pagkakataon, nakita ko ang pagngiti niya. Sobrang ganda niya talaga.Ang puti pa ng mga ngipin niya.I love her na talaga.
Hinawakan na rin niya ang kamay ko para makipagkamay.
“I’m Camila April, pero you can call me Caril” sambit niya sakin ng may ngiti na sa mukha.
BINABASA MO ANG
Chasing Real Love [ON-GOING SERIES]
Non-Fiction"Chasing Real Love" Copyright © TopsyKretts21, 2014 All rights reserved Author's Note: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resem...