Chapter III - Jose

28 2 5
                                    

        “Andito na ako ‘nay!”

        Sinalubong agad ako ni Renz na kitang kita ang sabik sa pasalubong kong Chicken Joy.

        “O, anak, kumusta ang naging lakad mo?” tanong sakin ng inay habang naghuhugas ng pinagkainan.

        “Okay lang po ‘nay, heheh” sagot ko sa kanya habang pinipigilan ko ang pagngisi dahil sa kasiyahan ko sa mga nangyari kanina.

        Hindi ko rin naman kinalimutan ang pagmamano kay inay.

        “Kaawaan ka ng Diyos, anak. Mukhang masayang masaya ka ah. Kwento mo naman kay nanay mo, heheh” pambobola sakin ng aking inay.

        “Kayo talaga ‘nay, may nakilala lang naman ako kanina sa Mall, heheh”

        “Uuuuyyy, si kuya, umiibig!!!” pambubully ni Renz sakin na narinig pala ang sinabi ko.

        “Tumigil ka nga dyan” bawi ko sa kanya para tumigil siya.

        “Ay, siya anak, kumain ka na muna at may trabaho ka pa.” sambit ng inay na patuloy sa paghuhugas ng plato.

        “Hindi na po inay, kumain na po ako kanina bago umuwi.”

        “Ganun ba anak?

        “Maghahanda na po ako, baka traffic ngayon at may nakita ako kaninang mga placard sa daan, mukhang magkakarally na naman mamaya.”

        “Mabuti pa nga anak. Mas mabuting mas maaga kang makarating sa trabaho mo.”

%%%%%%%%%%%%%%%%%%%

        Magaalas-kwatro na ako ng makasakay ng jeep. Madalang ang daan ng byahe, malamang nagumpisa na ang rally.

        Mukhang aabot naman ako sa trabaho ko. SANA. Sumakay na ako ng jeep. Umupo ako sa paborito kong pwesto, sa likuran ng driver.

Mas prefer ko sana sa harap, sa tabi ng driver kaso occupied na siya ng dalawang love birds so no choice.

Agad kong kinuha ang headset ko para magsound at para hindi mainip sa napakahabang byahe na dapat maikli lang pero magiging mahaba dahi sa rally.

Kinuha ko ang cellphone ko para maghanap ng kanta pero may bigla akong naisip na nagpangiti bigla saking mga labi.

Caril. I want to text Caril.

Agad akong pumili ng kahit ano ng kanta at agad na nagpunta sa New Message.

“Ma, bayad po.”

Nagulat ako sa nagsalita. Hindi ko agad siya narinig dahil medyo malakas ang sounds ko. Pag lingon ko, nakaabot na ang kamay ng katabi ko na may pera sa akin. Walang choice kundi kuhanin ang pera para iabot sa driver.

Abala naman. Pero okay lang.

Nagumpisa na akong magtype.

Hi. Can you be…

“Makikiabot po ng bayad.”

TOOOOOOOOTTTT!!!! <censored>, sa isip ko lang yan.

Kuha ang bayad, abot sa driver.

Okay lang ulit. Bawal magalit.

Tuloy sa pagtatype.

…my txtmte? :)

Chasing Real Love [ON-GOING SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon