“It’s okay. It’s okay. You can sit down.”
Bumalik agad ako sa pagkakaupo ko.
“Bakit po, sir? Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?” nagtanong ako ng may paggalang kasi matatapos na ang contract ko. Kailangang magpakitang gilas para maextend ang trabaho ko. Kailangang kailangan ko talaga ang trabaho ngayon.
“May pabor sana akong hihingin sa’yo Jose.”
Panandaliang napakunot ang aking noo. Nakakapagtakang may hihingin siyang pabor sa akin. Hindi naman kami close. Pero kailangan kong kagatin ang oportunidad na ito.
“Yes, sir, by all means, ano po ang gusto niyong gawin ko?” Ngumiti agad ako para hindi niya mahalata ang pagtataka ko at para makita niya na committed talaga ako sa trabaho ko.
“Diba taga-dito ka din lang sa Batangas City?”
“Yes, sir.”
“Good. Good. Good. Bukas ng umaga, mga siguro…” sabay tingin niya sa wristwatch niya, “…9 AM, makipagkita ka sa akin sa harap ng SM. Ok? May ipapagawa lang sana ako sa’yo. Don’t worry, hindi naman ito mahirap.”
Sandali akong napaisip kung anong pwedeng ipagawa sa akin ni Sir Yael sa SM.
“Pwede ko po bang malaman kung anong ipapagawa niyo po sa akin?” napatanong nalang ako dahil wala talaga akong idea sa gagawin ko bukas.
“Bukas mo na lang malalaman. Okay. Basta pumunta ka ha. Hindi pwede ang hindi.”
“Yes, sir.” Gusto ko pa sanang tumayo ng tuwid sa harap niya at sumaludo na parang sundalong inutusan ng heneral niya para ipakitang gagawin ko ang pinagagawa niya pero pinigilan ko na lang ito dahil nakakahiya sa mga kasama ko.
Tinapik na lang ulit ako ni Sir sa balikat sabay talikod at naglakad papalayo.
Humarap na din muli ako sa monitor ko para bumalik sa aking trabaho.
”Bahala na kung anuman ang ipapagawa sa akin ni Boss. Tiwala na lang.”
%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%
KKKKKKKKKKRrrrrrrrrriiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnng!!!!!!!!!!!
KKKKKKKKKKKrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnggggggggg!!!!
Naalimpungatan ako. Hindi pa ako makamulat. Umagang umaga may tumatawag. Sh**.
Kinapa-kapa ko ang cellphone ko sa aking kama. Nang makuha ko, agad kong itinapat sa tenga ko sabay pindot sa answer button at nagsabi ng “Hello?”
“Hi! Jose”
Boses babae, napamulat agad ang mata ko.
“Cno ito?”
“Ako ito, Caril”
Natahimik ako ng ilang saglit. Si Caril kasi ang least expected kong tatawag sa akin ng ganitong oras.
“O bakit ka napatawag?”
“I LOVE YOU JOSE”
Na-stun ako, hindi makakilos, hindi makapagsalita. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Totoo ba ito?
BINABASA MO ANG
Chasing Real Love [ON-GOING SERIES]
Non-Fiction"Chasing Real Love" Copyright © TopsyKretts21, 2014 All rights reserved Author's Note: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resem...