| C H A P T E R 16 |
•"Pain Pain Go Away"••Grace•
"Hello, Grace! Just like what I thought, ikaw ang papakasalan ng apo ko!" Napangiti ako sa lolo ni Blade dahil grabe nalang ang tuwa nito nang makita niya ako.
"Lolo Francis naman, you're making her uncomfortable. Right, Wifey?" Napa laki naman ang mata ko sa inasal ni Blade. Wifey pa talaga ang gustong tawag saakin.
Ano bang gusto niyang mangyari? Sobrang gulo niya, kanina lang hindi niya ako pinapansin tapos ngayon—ay ewan!
"It's okay, Hubby. After all, we are a family." Nag-smile pa ako kay Blade.
Kung gusto niyang makipaglaro pwes marunong din ako makilaro.
Bakas sa mukha ni Blade na nagulat siya pero hindi nagtagal ay gumuhit ang ngisi sa labi niya. Inakbayan ako ng halimaw at tsaka nagslita,
"So, Lolo." Bumaling naman ito sa Lolo niya.
"How many grandchilds do you want?" Pagtatanong ni Blade sa Lolo niya. Bigla naman ako inubo. Yung lolo naman ni Blade ay halos mapunit na ang bunganga sa sobrang ngiti.
"Okay lang naman saakin kung 5 o 7 na apo." Mas lalo naman ako inubo sa sinabi ni lolo Francis. Medyo napatingin naman saakin ang ibang guest sa event.
"Are you okay, Wifey?" Natatawa niyang sabi habang Hinimas himas nito ang likod ko.
"Perfectly fine, Hubby. I just need some fresh air." Tumayo na ako at tinanggal ang pagkaka-akbay saakin ni Blade.
"Thank you for coming, lolo Francis. It's nice to see you again." Nag-bow ako ng unti at ngumiti sa lolo ni Blade.
"I'll accompany her, Lolo." Tumayo na rin yung halimaw at tsaka hinigit ang beywang ko papalapit sa kanya.
Pinanlakihan ko siya ng mata at pinigyan ng nakamamatay na tingin. Yung tipong tignan lang kita, nasunog ka na.
"Sige, Apo. Just make sure na hindi muna kayo gagawa, ha?" Nabilaukan ata ako ng sarili kong laway.
Hindi ko alam kung 76 na ba talaga 'tong Lolo ni Blade eh. Nakakaloko na. Sarap putulin ang talong sa pagitan ng hita niya.
"We'll go ahead." Umalis na kami sa harapan ng lolo niya at tsaka pumunta sa garden.
Tinignan ko ang paligid kung may tao ba dito, pero buti nalang ay wala.
Agad kong siniko sa tyan si Blade. Agad naman siyang napadaing sa sakit at tinignan ako ng masama.
"Tigil-tigilan mo ako sa mga pa-ikot mo ha?!" Malakas ang sigaw ko sakanya kaya napatakip na rin ito ng tenga.
"Why? Do I make you feel so special?" Nag-smirk pa ang halimaw! Noong na-uso ba ang pagngisi, siya ang unang nakakakita at tinodo-todo pa!
"Tarantado ka talaga!" Agad ko siyang sinuntok sa tiyan. Nagulat na lamang ako nang hinawakan niya ang pulsuhan ng kamay ko at tsaka niya pinaikot ang katawan ko dahilan para mapatalikod ako sa kanya.
Ang bilis ng pangyayari at hindi ko namalayan na dalawang kamay ko na ang nasa likuran ko na hawak niya. Sinipa ko siya kung saan naka-locate ang birdy o alaga ng mga lalaki at tsaka kinuha ang braso niya upang ipa-ikot ito at pagbaliktarin ang pwesto namin.
BINABASA MO ANG
My Husband is a Bad boy
Humor"I call it unfortunate for having a husband like him but ever since I was able to see his true colors, little did I know that this Bad boy is no nothing with what I thought he was." • A cliché story by a hiatus author •