Introduction

334 49 39
                                    


"People will love you. People will hate you. Others will secretly wish to be you."

Amy Ramirez
~*~

Pinakiramdaman ko ang ihip ng hanging dumadampi sa balat ko as I pedal my bicycle. Buwan na naman ng taglagas, lunes na naman bukas! Hayst. Dumadampi sa buhok at damit ko ang bawat dahong nalalagas sa mga punong nadadaanan ko.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagpadyak sa aking bisikleta, naalala ko ang masasayang araw namin ng ex-boyfriend ko. Si Julian.

Dati-rati, siya ang nagmamaneho nitong bisikleta, habang ako naman ay angkas angkas niya sa likuran. Dito rin kami madalas dumadaan kapag walang klase. Presko ang hangin, payapa, at tanging mga huni lang ng ibon ang nagpapasagana dito.

Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung bakit ako hiniwalayan ni Julian. Wala siyang binigay na rason kung bakit niya ako iniwan. Basta't pagkagising ko na lang isang araw, wala na siyang sagot sa mga messages at tawag ko. I want to talk to Julian. Gusto ko siyang makita, mayakap, at makausap sa huling pagkakataon man lang.

Pinipigilan kong pumatak ang luha sa mga mata ko ngunit hindi ko na talaga kayang ikimkim ito. Tuloy-tuloy na nahuhulog ang mga dahon sa bawat puno, sabay din ang pagpatak ng bawat butil ng luha ko.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Diretsong nakatingin ang mata ko sa kawalan habang nagmamaneho ng bisikleta. Unti-unti na ring nagkakatao sa paligid. May mga nagkukumpulan, nakaupo sa bench, nagce-cellphone, at kung ano-ano pa.

Ginamit ko ang kanang kamay ko para punasan ang mga nagkalat na luha sa mukha ko habang ang kaliwa ko namang kamay ay nakahawak upang i-balanse ang bisikleta.

Napabuntong hininga na lang ako ng malaman kong napadpad na ako sa parke. Sa sobrang emote ko, hindi ko na namalayan kung saan-saan na pala ako napadpad.

Tuloy-tuloy pa din ang pagpadyak ko sa pedal, mas lalo ko pa itong binilisan nang makita ko ang cotton candy na pinapabenta ng mama sa dulo. Nag-crave tuloy ako.

Nang makarating na ako sa malapitan, sinimulan ko nang mag-break hanggang sa tuloy-tuloy pa din ang pag-andar ng bisikleta.

Nalagpasan ko na ang mamang nagbebenta ng cotton candy ngunit hindi pa din tumitigil ang bisikleta sa pag-andar!

Paulit-ulit pa rin ako sa pag-break ngunit hindi talaga ito tumitigil. Bigla akong nataranta saka nagsusumigaw.

"Ahhh. Tulungan niyo ko dito! Wala akong break!" sigaw ko habang nakatingin ng diretso sa mga dinaraanan ko.

Napapikit na din ako sa sobrang takot na kung anong mangyari sa akin.

"Lord, kung kukunin niyo na po ako, please sa susunod na araw na lang. I'm not yet ready!" mariin kong sabi sa sarili ko.

Nararamdaman kong tuloy pa din ito sa pagtakbo hanggang sa tumigil na ito ng kusa. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung ayos lang ba lahat o kung patay na ba ako.

I slowly open my eyes at nakita ko ang isang lalaking nakayuko. Infareness, kahit nakayuko si kuya ang lakas pa din ng dating. Nagiging neat siya sa suot niyang navy blue shirt na pinaiibabawan ng kaniyang black jacket. Hawak-hawak niya ang harap ng bike ko. Halatang pinigilan niya ito sa pagtakbo.

Bigla siyang nag-angat ng tingin sa akin kaya mas lalo kong nakita ang magandang pigura ng kaniyang mukha. His jawline. His lips at a higit sa lahat, ang kaniyang makalag-lag panty eyes!

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa bike ko nang makita niyang umapak na ang dalawang paa ko sa semento.

"Ah, t-thank you" pacute kong sabi habang inilalagay ang buhok ko sa gilid ng tenga. Diretso lang siyang nakatingin sa akin habang nakapamulsa.

"If you're going to ride bicycles, make sure na hasang-hasa ka na. Makakadisgrasya ka ng tao dahil sa ginagawa mo eh. Pwede mo namang pigilan ang pagtakbo nito gamit ang paa mo. Tss." nakapoker-face niyang sabi sa akin sabay alis sa harapan ko.

Ay shit. Speechless ako. Pero thank you nalang kuya. Hindi na kita masasabing gwapo ka kasi tinarayan mo ako.

Nilingon ko ulit 'yong lalaking tumulong sa akin ngunit palayo ng palayo na siya sa akin. Ano kayang pangalan niya?

Chased By Love Where stories live. Discover now