4: First dustup

86 33 14
                                    


“A silent hug means a thousand words to the unhappy heart.”

Amy Ramirez
~*~

Tahimik pa din kami ng lalaking kaharap ko ngayon. The heck? Siya lang naman 'yong lalaking naka meet and taray ko kahapon dito sa park eh.

Kunot noo akong nakatingin sa kaniya habang siya naman ay nakatingin din ng diretso sa akin habang naka-poker face. Damn! Ang cool niya pa din tignan kahit nakapoker-face siya, cool lang! Hindi pogi! Remember?! Maldito siya kaya hindi ko siya masasabing pogi.

"Magtititigan na lang ba tayo dito?!" pambabasag niya ng katahimikan. Nag-snob ako saka tumalikod sa kaniya. Hala siya?! So anong gusto niyang gawin ko?

Kinuha ko ang bike ko para umalis nang bigla naman niyang hawakan ang kamay ko.

"Walang aalis" sabi niya habang mahigpit pa ding nakahawak sa kamay ko. Enebe. Huwag mokong hawakan! Mahuhulog 'yong panty ko! Hoy!

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko saka nagcross arms.

"Bakit naman? Gusto kong umalis eh. May magagawa ka ba?" panghahamon ko naman sa kaniya. Mas lalo siyang lumapit sa akin. Siguro mga 5 inch na lang ang layo namin sa isa't- isa.

Naaamoy ko 'yong pabango niya. Peste! Ba't ang bango mo chong! Para kang fictional character na binabasa ko! Oh my gosh!

"If you leave, I'll get this!" mahinang sabi niya sabay pinch sa tenga ko. Aray ha! Ano bang kasalanan ko sa lalaking ito? Hindi ko naman sinasadya, saka malay ko ba kung mangyayari ulit ito.

"Araaaay! So-sorry na!" sabi ko naman sa kaniya. Binitawan niya ang tainga ko saka nagsimulang maglakad paalis.

"Ganoon-ganon lang ba ha?!" sigaw ko sa kaniya. Tuloy pa din siya sa paglakad.

"Anong pangalan mo?! At nang matawagan ko ang police station?!" ganon-ganon na lang ang naisigaw ko. Actually, siya pa dapat ang magsasabi ng ganito sa akin, pero ewan bakit ganun na lang ang naisigaw ko.

Tumigil siya saglit saka binigyan niya ako ng killer smile. Shems. Ang cool talaga ng lalaking 'to kaso ba't ang suplado?!

"You'll die if I tell you" tipid niyang sagot sabay talikod at tuluyang naglakad papalayo. Wait. Ano daw? Mamamatay daw ako pag nalaman ko ang name niya? Parang si ano lang eh, 'yong character sa binasa ko?! Nakalimutan ko na ang title. Idol niya siguro. Hahaha!

Napatahimik na lang ako sa sinabi niya saka sinimulang sakyan ang bisikleta ko. Hindi ko alam kung bakit lumiko na lang ang bike ko saka sinundan siya.

Nakita ko siyang pumasok sa isang itim na kotse bago niya paandarin saka tuloy-tuloy na siyang nawala.

"Richkid pala siya" sabi ko. Umiling-iling ako saka tinungo ang mama na nagbebenta ng cotton candy.

Pumunta naman talaga ako dito sa parke kasi ito talaga ang pakay ko, ang bumili ng cotton candy. Pumunta ako dito ulit dahil nga hindi ako nakabili kahapon dahil sa nangyari. Akalain mo, pati ngayon ganito ulit ang mangyayri.

"Manong, pabili nga. Iyong kulay pink ah?" sabi ko sa kaniya sabay turo ng cotton candy na pakay ko.

Tinignan naman ako ni Manong ng seryoso bago kinuha ang kulay pink na cotton candy. Bakit kailangan pa niya akong tignan ng seryoso?

"Salamat" sabi ko pagkakuha ko ng cotton candy. Sinakyan ko na ang bike ko saka tuloy-tuloy na umalis ng parke.

Habang nagmamahaneho ako ng bisikleta, unti-unting nawawala ang mga tao kanina, nandito na naman ako sa isang tahimik na lugar. Kung saan matutunghayan mo ang bawat paglagas ng mga dahon, mararamdaman mo ang presko ng hangin at maririnig mo ang mga huni ng ibon.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya napatigil ako sa pagpe-pedal. Kinuha ko ang phone ko saka tinignan ang isang notification.

"Nakagawa kana ba ng projects natin? Bukas na daw kasi ibibigay kay Professor Sylvan" - Kath

Halos gumuho ang mundo ko nang maalalang may projects pa pala akong gagawin. Stress na nga ako dahil sa nangyari kanina tapos dadagdagan pa neto? Bakit ngayon ko lang kasi naalala? Napasapak ako sa noo ko saka pinadyak ang pedal ng mabilis.

Kumunot ang noo ko nang maalala ko na naman ang nangyari kanina. Kainis naman kasi nong lalaking iyon.

Chased By Love Where stories live. Discover now