3: Coincidence?

103 33 15
                                    


“I looked at a flower and thought it was the most beautiful thing I've ever seen till I met you.”

Troy Sean Alvarez
~*~

Agad akong sinalubong ni Julius nang makarating ako sa Cossimo. I smiled when I saw the different decorations outside.

"Sir, mabuti't nakarating na kayo, the guests and your friends are waiting inside" nakangiting sabi ng P.A kong si Julius.

I smiled at him saka tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng Cossimo. Nagulat naman ako ng makita ko ang isang unexpected visitor.

"Oh my gosh! Troy? Is that you?!" gulat na saad naman ni Resha kaya napalingon pa ang ibang kaibigan ko sa akin. Si Resha ay classmate ko nuong nasa 1st year College pa kami. She transferred school when we entered 2nd year. I didn't expect that she'll came here. Wala kasing pasabi 'yong nag-plan ng event na ito.

"Yes. It's me. Long time no see!" sinuklian ko naman siya ng ngiti saka inapiran. Nilingon ko ang ibang classmates ko saka binigyan din sila ng ngiti. Sila John, Julian, Clayton, at si Janna.

Nakipag- hi five din ako sa kanilang apat. Best day talaga 'tong event ngayon. Nakita ko ang isang tarpaulin na naka-plastar sa may gitna ng stage.

"Reunion! Batch 2010-2011"
Special Guest: Resha Bonifacio

"Hindi ka nagpasabi John, special guest pala si Resha" sabi ko naman kay John.

"Para surprise. Hindi nga din nila alam lahat eh" natatawang saad ni John.

Nagsimula na kaming kumain kaya naging tahimik ang buong Cossimo.

"Troy! Kwento naman diyan! Kamusta na kayo ni Pauline?" pagbabasag ng katahimikan ni Clayton.

"Wala na kami" sagot ko naman. Napatakip ng bibig si Janna saka si Resha. Sa lagay na ito? Magugulat pa sila. Hindi ba nila alam na I had so many ex's?

"Sorry Troy kung natanong ko bigla. Kain na lang tayo guys" paumanhin ni John. Tumango-tango lang ako saka pinagpatuloy ang pag kain.

Pauline. Bigla na namang sumagi sa isipan ko ang pangalan na iyan. Yes, it's just a name but it brings back a lot of memories.

Si Pauline ay isa sa mga babaeng minahal ko. Minahal ko ng lubos kasi alam kong siya na 'yong babaeng papakasalan ko at bibigyan ng matiwasay na buhay. But, I was wrong. She is not the one. She didn't chose me. She chose the other guy instead of me. Akala niya siguro hindi ko alam na may kalaguyo siyang iba. Until such a time, I ended our relationship together.

Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako mauna na umuwi dahil pagod na pagod na ako. All I need is a nap and forget all those shit.

Habang nagmamaneho ako, nadaanan ko ang parke na dinaanan ko din kahapon. Maybe I'll just stop here.

Pinatay ko ang makina ng kotse ko saka bumaba sa parke. I can see stuffs around here. May naglalaro, may nagmumuni-muni saka may nagde-date.

Bigla tuloy akong napaisip. May niloloko na naman itong mga taong to. Tss. Naglakad-lakad ako sa parke hanggang makarating ako sa wala masyadong mga tao.

Pinagmasdan ko ang bawat paglagas ng mga dahon sa bawat punong nadaraanan ko. Biglang natigil ang pagmumuni-muni ko nang biglang may tumumba sa bandang likuran ko kaya napatumba din ako.

"Ahhh. Fuck you! Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?!" irita kong saad habang hawak-hawak ang likod ko. Shit, ang sakit no'n ah.

"Oh my gosh! Sorry po! So-sorry!" dinig kong paghingi niya ng paumanhin. Sino na naman kaya itong nilalang na ito?!

Nilingon ko siya saka nag-angat ng tingin habang kunot noong sinisindak siya. Mas lalo ulit akong nainis nang makita ko kung sino ito.

"IKAW NA NAMAN?!"

Chased By Love Where stories live. Discover now