7: Bumping Troy

81 24 1
                                    


Life becomes romantic when eyes start looking at some one silently.

Amy Ramirez
~*~

Nakangiti akong naglakad paalis sa kinatatayuan ko nang mahimasmasan ako. Nasagot na ang mga echos kong katanungan. Troy Sean Alvarez? Nice name huh? Pero parang name lang ang maganda sa kaniya. Malay mo? Panget? Hahaha. Pero teka, bakit parang curious na curious ako sa lalaking ito? I don't know!

“Amy Ramirez!” biglang napawi ang mga ngiti ko nang marinig ko ang nakakatakot na sigaw ni Kath. Tinignan ko ang direksyon niya na ngayo'y pinanlilisikan na ako ng mata. Patay!

Naglakad ako papalapit sa kaniya saka nag-peace sign. Nanlilisik pa din ang mga mata niya, hudyat na sinisindak niya ako.

“Sorry! May tinanong lang ako kay Professor Sylvan!” paliwanag ko habang nagmamakaawang huwag akong sapakin. Nakakuyom na kasi ang mga kamao niya at kulang na lang na ilapat niya ang kamay niya sa akin.

“Hindi mo man lang ako pinahintulutang kakausapin mo si Professor?!" giit niya kaya mas lalo akong natakot na akmang susuntukin niya na ako.

Napapikit na lang ako sa sobrang takot. Shems, warfreak talaga si Kath ngayong day! Ilang minuto na akong nakapiki ngunit wala pa ding tumatamang kamao sa pisngi ko.

Unti-unti kong dinilat ang isang mata ko at nakita kong naka-cross arms siya habang ngumingisi. Dumilat na ako ng bahagya saka nagkunot-noo.

“I'm not going to slap nor punch you Amy. Kaibigan kaya kita. Uto-uto ka din kase minsan” nakangising sabi ni Kath. Nagkibit-balikat na lang ako saka nagpakawala ng buntong hininga.

“Malay ko ba, akala ko kase umandar na naman iyang pagka-warfreak mo” sabi ko naman sa kaniya. Umirap siya sa akin sabay kuyom ulit ng kamao niya. Bigla ulit nanlaki ang mata ko.

“But! There's one thing you should do to avoid this” banta ni Kath sa akin habang ipinapakita sa akin ang nakakuyom niyang kamao.

“What?”

“Ililibre mo ako ng pizza at fries!” sagot niya sa akin habang nagpa-puppy eyes. Napabuntong hininga ako ulit sa sinabi niya. Kung hindi warfreak ang babaeng ito, foodfreak naman din.

Tumango na lang ako saka naglakad paalis. Hinila naman ni Kath ang braso ko bago ako makalayo sa kaniya.

“Oops? Tara na! Ililibre mo diba ako?” giit naman niya. Napairap naman ako nang sabihin niyang ililibre ko siya ngayon. Maghahatinggabi na! Ililibre ko siya? Ayoko! Takot ako sa mumu. Hehe.

“Wait what? Did I say ngayon? Bukas na lang Kath! Gabi na! Pagod ako ngayon” sabi ko habang hinihilot-hilot ang noo ko.

Bigla naman ding nag-alala ang ekspresyon niya saka tinap ang likod ko.

“Ganoon ba? Sige sige, magpahinga ka na muna ngayon. Kitakits na lang bukas!” sabi naman ni Kath sabay kindat saka tuluyang tumakbo paalis.

Akala ko concern ang babaeng iyon sa sitwasyon ko. Foodfreak talaga! Kainis. Napakamot na ako na ang ulo sabay lakad patungong boarding house.

~*~

Pagkarating ko sa tapat ng gate, dinig na dinig ko na naman ang mga boredmates kong busy sa pagvi-videoke. Tiyak 'di na naman ako nito makakatulog ng maayos, worst is baka mapuyat na naman ako. Tss.

Chased By Love Where stories live. Discover now