9: Unexpected

15 0 0
                                    


Don’t be easy to define. Let them wonder about you.”

Amy Ramirez
~*~

Hindi pa din ako mapakali kakatawa dito sa higaan ko. Hindi pa rin kasi ako makamove-on kanina sa lab. Duwag din pala 'yong Troy na 'yon.

“Amy, ang ingay! Natutulog 'yong tao eh”

Agad akong napahawak sa bibig ko nang marinig ko ang isa sa mga ka-boardmate ko. Sorry, I just can't help to laugh lang kasi.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko nang makalimutan kong maghilamos, sa sobrang isip ko sa duwag na lalaking iyon, nakakalimutan ko na ang mga gagawin ko.

Nang makapasok na ako sa restroom ng boarding house ko, tinungo ko ang pinakadulong washing room. para hindi na ako maistorbo nang mga nagvivideoke. Sa gilid pa naman yon nang restroom ang spot nila para mag-ingay.

Habang nasa kalagitnaan ako nang paghihilamos, may narinig akong nag-uusap sa may gilid ng restroom, hindi ko alam pero parang sobrang private nang pinag-uusapan nila.

Hindi na ako nakatiis at itinapat ko ang tenga ko sa dingding nang restroom.

“Swerte ka pala sa boyfriend mo”

“Swerte talaga ako, gwapo at matalino pa! Baka nga, daks pa!” natatawang sabi ng isang babae.

“Wait, hindi mo pa siya ipinakikilala sa akin ah?”

“Sorry sis. Siya nga pala si Julian Sandoval”

Halos mahulog ang panga ko nang marinig ko ang pinag-usapan nila. Siguro nagkamali lang ako nang narinig, siguro hindi iyon ang ex ko diba? 'diba?

Dali-dali akong lumabas ng restroom at nagkulong sa kwarto ko. Unti-unti na namang tumulo ang mga luha ko. Bakit gabi-gabi na lang, pinapaiyak ako. Bakit ganoon? Hindi ako pinapatulog nang gabi na hindi umiiyak? Bakit lagi na lang?

Niyakap ko nang mahigpit ang unan ko saka duon ko ibinuhos lahat nang luha ko.

“Sorry unan ah? Sorry for all the tears and thank you because you're there to comfort me always” saad ko bago ako tuluyang nakatulog.

~*~

Napansin kong madaming tao ang nagkukumpulan sa labas ng classroom namin nang makarating ako sa school.

Lumapit ako lalo upang masaksihan kung ano nga ba ang nangyayari dito. May bagong eksena ba?

Nang makalapit ako, bigla kong nakita si Troy na naka-cross arms saka nakatingin sa direksyon ko. Lumingon ako sa likod ko para magbakasakaling may tao sa likod, pero wala naman. Ako ba talaga iyang pinanlilisikan niya.

“Akala mo ba ganun-ganun na lang iyon brainless?” matapang niyang giit sa akin. Lumapit siya hanggang makita kong mas matangkad pala itong duwag na ito, shit, nagmumukha akong unano dito.

Lumayo ako sa kaniya nang konti bago ko din siya tinaasan ng kilay.

“Hoy! For your information! May pangalan ako! I am Miss Amy Ramirez, period!” sagot ko naman sa kaniya. Agad din namang naghiyawan ang mga studyante sa gilid ko, ano ba ito? Fans ko? Hindi naman ito fliptop battle diba?

“I don't care, but for me, you're brainless girl!” sagot niya. Naghiyawan naman ang mga studyante sa panig niya. Mga panig naman niya, puro babae, ang lalandi. Nakakaloka.

“Hindi ka ba tinuruan nang parents mo? Bakla ang lumalaban sa babae. So it means, you are a gay!” natatawa kong saad. Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko pati ang ibang studyante sa sinabi ko. Tama lang naman ah, bakla ang lalaking lumalaban sa babae. Sino siya ngayon? Nakakatawa.

“I may fight you by my words, but not physical” giit niya ulit. Napairap ako sa sinabi niya.

“Palusot! Same lang iyon. Nakikipag-kompetensiya ka sa babae” pamimikon ko ulit sa kaniya.

Mas lalong nanlisik ang mata ni Troy dahil sa sinabi ko. Nakakatuwa, walang tumatagal na badboy sa akin dahil ako mismo ang gagawa nang paraan para maalis siya sa buhay ko at hindi na makapangggulo pa.

Bigla-bigla na lang niyang hinila ang kamay ko out of the blue. Wait, pikon na ba si Troy?

Tinignan ko ang reaksyon niya pero naka-poker face pa din siya at halatang nanggigigil na.

Napansin kong nasa mini forest na kami ng school, wait ano bang gagawin niya?

“Bakit mo ako inilayo duon sa mga studyante? Saka bakit mo ako dinala dito?” panimulang tanong ko kay Troy.

Hindi siya sumagot at tumayo lang habang nakapamulsa. Shit! Ang cool niya talaga tignan! Ang gwapo gwapo niya talag pero naiinis ako eh, naiinis ako sa ugali neto. Ki-aga aga sisirain ba naman ang araw ko?

“Natatakot ka ba na mapahiya sa madaming tao Troy? Nakakatawa ka” nakangiti kong saad sa kaniya.

Tumingin siya sa akin ng seryoso. Ang ganda talaga ng mga mata niya! Iyong kilay niya pa ang kapal! Kasing kapal ng mukha niyang dalhin ako dito!

“Why did you said that?” tanong niya naman sa akin with a husky voice.

“Ang alin? Iyon bang bakla ka?” natatawa kong sagot. Totoo naman kasi, parang bakla ang ugali niya kasi nanlalaban sa babae. Like duh! Iyon attitude lang talaga ang nakakaturn-off.

“Ulitin mo nga ang sinabi mo? Ano nga iyon?” tanong niya ulit. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin na para bang kakainin niya na ako.

“Ang sabi ko, bakla--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lang lumapat ang labi niya sa mga labi ko. I can feel his gentle lips in mine. Para akong dinala sa kalangitan sa pamamagitan lang mga labi niya.

Hindi pa rin siya tumigil sa paghalik sa akin nang ang mga labi ko naman ay lumaban sa halik niya.

“I got you then” saad naman niya out of the blue. Nagulat naman ako sa sinabi niya at naitulak ko siya.

Chased By Love Where stories live. Discover now