11: Amy's Decision

28 0 0
                                    

“Every love story is beautiful but ours is my favorite”

Amy Ramirez
~*~

Nang marating ko ang boarding house ay nagulat ako nang may nakadikit sa pintuan kong isang note na hindi pa raw ako nakakabayad ng bill. Naabutan ko ding nakalabas na ang mga gamit ko sa tapat ng pinto. Pati mga schoolmates ko din dito umalis na.

Napahawak ako sa noo ko at napaupo sa semento. Sa sobrang busy ko, hindi ko na nagawang mag-ipon para pambayad man lang sa rent ng board ko.

Tumayo ako ulit at hinalungkat ang mga gamit ko nang mapansin kong may nawawalang importanteng bagay–ang picture frame naming magkakapamilya.

Dali-dali akong tumawag kay Aling Rose–ang nagpaparenta sa boarding house ko.

“Hello po, Si Amy Ramirez po ito. Baka ho pwedeng buksan niyo po muna ang boarding house ko't may kukunin ho lang akong importante”

“Naku hija, gabing-gabi na saka ilang araw ko nang pinapaalala sa'yo na magbayad ka na ng renta mo” giit naman nito.

“Parang awa niyo na po, madaling-madali lang po. Kukunin ko lang po iyong frame, importante ho kasi sa akin iyon” mangiyak-ngiyak kong saad ngunit imbes na pagbigyan niya ako ay binabaan niya lang ako ng telepono.

Napaupo ulit ako saka humagulhol ng iyak. Iyong bagay lang na iyon ang tanging remembrance namin ng mga magulang, pati ba naman iyon hindi ko na uli makikita.

“Mama, bumalik na ho kayo dito please” saad ko sa bawat paghikbi ko. Tumayo na lang ako't pinagpagan ang damit ko. Lakas loob kong binuhat ang mga gamit ko saka lumabas ng gate. Bago pa man tuluyang lisanin ang boarding house ay nilingo ko muna ito saka nagpaaalam.

“Goodbye, mamimiss ko ito” saad ko bago tuluyang umalis. Napapaluha ako tuwing naaala ko na naman ang picture frame na naiwan ko sa boarding house, ang hype kasi ni Aling Rose, makarma sana iyon.

Habang naglalakad ako ay bigla na lang may  humawak sa bag ko kaya't napalingon ako agad.

“Tulong! Magnanakaw!” sigaw ko nang hawakan niya pa din ang bag ko. Nilingon ko ang taong humawak ng bag ko at laking gulat kong si Troy Sungit ang narito.

“Anong ginagawa mo! Alam mo bang muntik na akong mamatay dahil sa ginawa mo? Baka nakakalimutan mo, madami ka nang kasalanan sa akin!” gagad ko habang naiinis na pinunasan ang pawis ko.

“Like what? Kissing you? Hanggang ngayon ba? Hindi mo pa rin iyon nakakalimutan? Be professional brainless girl, ginawa ko lang ang nararapat” depensa naman ni Troy.

Tinulak ko siya saka pinaghahahampas ng bag ko.

“Bakit mo ba ako sinusundan ah? Stalker ka ba?” matapang kong sagot. Tumawa naman siya gaya ng pagtawa niya sa akin kanina sa waiting shed, ibang klase yung pagtawa niya, tawang mapang-asar. Nakakabwiset.

“What? Me? A stalker? Hey brainless girl, for your information, nasa tapat lang ng boarding house mo ang bahay ko eh. Baka ikaw itong nagplanong magboard dito para masundan mo ako araw-araw?” giit niya naman na ikainis ko pa lalo.

“Ang kapal naman ng mukha mong sabihan na nagboard ako dito para masundan kita araw-araw" depensa ko.

“Ang kapal din naman ng mukha mong pagsabihan akong stalker” saad niya in a cold tone.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko pa magilitan ng leeg itong lalaking ito. Bumuntong hininga ako saka akmang tatalikuran siya nag bigla niya ulit akong hinawakan. Aaminin ko, I felt electrified when his warm hands touched my arms. Para akong kinuryente na hindi ko alam.

“Ano bang problema mo?” sigaw ko para magmukha akong matapang, actually I'm not.

"Alam kong pinaalis ka na sa tinutuluyan mo, so...” pagpuputol niya sabay pamulsa.

Napataas naman ako ng kilay sa ginawa niya. Ang pogi mo shet! Ang sungit mo nga lang! Kainis ka.

“so, what?”

“Nothing” tugon niya habang nakangisi na naman nang mapang-asar.

“Bwiset ka!” sigaw ko saka tinalikuran siya ulit ngunit pinigilan na naman niya ako.

“Would you mind if you just stayed one night in my house? Just one night!” alok ni Troy na lubos ko namang ikinagulat. Iyong boses niyang naging maamo, at parang sincere siya na papapatuluyin niya ako sa bahay niya.

“Ayoko nga no! Baka kung ano pang kahihiyan ang gagawin mo sa akin!” pakipot ko naman pero nagdadalawang isip pa din ako eh, akalain mo iyon, siya pa iyong nag-alok na patuluyin ako.

“Kung ayaw mo, edi wag. Basic” giit niya sabay alis sa harapan ko.

Shit. Hindi niya ba naman ako pilitin? Ang sungit talaga! Sa bahay na lang kaya ako nina Kath?

Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko nang maalala kong may emergency pala sa bahay nina Kath, tiyak makakaistorbo lang ako roon. Shit! Makakatulog talaga ako sa kalsada nito! No choice!

Nilingon ko ulit si Troy, buti naman at hindi pa siya nakakalayo.

“Troy, wait!”

Lumingon siya sa akin ng kunot noo.

“What?”

“I will. Sasama na ako sa'yo kung hindi pa nagbabago ang isip mo” nahihiya kong saad, out of the blue.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chased By Love Where stories live. Discover now