XII.

629 10 0
                                    

“ Si honey ba yung sumigaw? Teka baka may…” Pumunta ako sa kwarto ni Gelo at dahan-dahang binuksan ang pinto, mahirap na baka mahalata ng magnanakaw.

“A.aray ba’t parang ang daming stars?” Saka ako bumagsak sa sahig at nawalan nang malay.

Pagkagising ko agad kong nilibot ang kwarto para I-check kung nandun pa yung magnanakaw. Tama! Siguradong siya ang pumalo ng matigas na bagay sa ulo ko. COAST CLEARED.

“Buti naman honey you’re safe… good n…”

“Wait! ‘wag mo ‘ko iwan please.. I’m scared Samara no!” Hawak-hawak niya ang kamay ko habang nakapikit at pinagpapawisan. Mukhang napa-sobra ata ako, takot na takot tuloy siya. “Shhh, don’t worry you’re safe now honey.” Then I kissed her forehead and played music from my phone. Tinamad na kasi akong buksan yung ilaw ito na lang ginawa kong flashlight, baka ma-alarm ko pa yung magnanakaw kanina.

Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong dinarasal
Makapiling ka habang buhay ikaw lamang, sinta
Wala na kong hihingin pa wala na~~~

Sumabay ako sa kanta ng Silent Sanctuary na Ikaw Lamang. Pagtingin ko nakatulog na din siya, sa wakas. Napahikab na din ako, wag kayong mag-alala ‘di naipit si Gelo, payapa siyang natutulog sa crib niya. Hinayaan ko lang na naka-play ang kanta hanggang sa dalawin na din ako nang antok.

***Saturday Morning***

Naramdaman ko na lang na may bahagyang tumutusok sa sa pisngi ko. “Hmmm, I’m still sleepy honey…”

“ANONG GINAGAWA MO DITO MIGGY? “ Pasigaw na pag-gising ni Thea.


published online: 09.10.17
© zee_elle

Babysitter by AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon