I.

5.4K 70 7
                                    

"Thea is baby okay?"

"Yes," Naks! parang mag-asawa lang ah.Pero mali ang nasa isip nyo.Wala pa akong asawa at lalong-lalo na,wala pa akong baby.

Teka paano ko ba papaliwanag.Ganto kasi yun,babysitter ako.Yes tama ang dinig mo.Yung nagtanong kanina si Miggy yun, boss ko. Not really,parents nya naman nag papasweldo sakin e.Yung baby naman na tinutukoy nya ay si 'Gelo' short for Angelo. Ang kyut kyut talaga ng batang yun.I mean baby pala,he just turned one last month.

Hanep engliserang babysitter,paki mo secret ko na yun.Haha,actually part-time job ko lang 'to.Nag-aaral pa din kaya ako, magse-second year college na ngayon.

Tsk..di pa pala ako nagpapakilala.Ako nga pala si 'Thea' short for Althea Miranda. Mahilig ako sa mga bata,lalo na sa mga cute babies gaya ni Gelo.Nag-meet kami nyan sa isang grocery store.Ooops! di ako pedophile o ano pa man ha.

****

"Pasta, tomato sauce, mushroom, tomato paste, hmmm ano pa ba?"

Ano ba yan, pakalat-kalat pa 'tong grocery cart eh, mausog nga. Paa..Ang kyut! Dahan-dahan...Tingin pataas... WAAAAAAAH!

"Wow! Ang kyut kyut naman ng baby na ito! " Sarap kurut-kurutin ang malulusog at mamula-mula nyang mga pisngi. 

"Hey! You! what do you think you're doing? GET YOUR HANDS OFF HIM! " Bangag ba 'to?di ko pa nga nahahawakan, iniisip pa lang. OA neto.

"AY HEY YOU! kagulat naman 'to." Pasensya naman delayed reaction, sobrang adorable lang kasi ng baby.

"Ikaw! oo ikaw! anong ginagawa mo dyan sa bata?" Sungit, pasalamat ka gwapo ka.

"W.wala pa..este wala naman akong ginagawang masama ah at sino ka para sigawan ako?"

"Ako lang naman ang guardian ng baby na yan, bakit may angal?" Guardian? edi anak nya 'to? Sa tingin ko halos magka edad lang kami ah. Seventeen pa lang din ata sya.

"Anak mo?" Obvious naman e, tinanong ko pa.

"Pakialam mo?" Echosero 'to ah.

"Kung anak mo nga 'to, napaka pabaya mo namang tatay. Tingnan mo oh, nilagay mo lang sya sa cart. Ano akala mo dyan, CANNED GOODS? Pano kung mahulog 'to at maaksidente. Ang kyut kyut mo pa naman baby noh?Kuchi kuchi koo."

"Di mo ba nakita na namimili ako?or you're just too lame to notice?" Aba't gago pala 'to eh.

"Hoy! wag kang gagawa nang himala kung di mo rin lang kayang panindigan. Huh! sabagay kaya ka siguro iniwan ng nanay nyan, kasi wala kang kwenta!"

Di ko alam pinagtitinginan na pala kami. Haler! ikaw ba naman makakita ng eksenang ganun 'di ka kaya magtataka. Kalurkey! teka may paparating.

"Excuse me po ma'am, sir. If you don't mind, kindly tone down your voices. Nakaka-istorbo na po kayo sa ibang shoppers." Isa pala sa mga staff ng grocery, tae nakita ko sa name plate nya Manager pala.

"Who are you? you have no right to tell me what to do!" Naku, arogante talaga ng lalakeng ito.

"Uhm, sir pasensya na po kayo. LQ lang po kami ng honey ko eh..diba honey?" Sabay hawak sa braso nya na may kasamang siko at pandidilat.

"Oh, yes...I'm sorry about that" Buti naman nakuha nya.

"Thank you for your cooperation." Tapos umalis na yung manager pero may naririnig pa rin akong bulungan na galing sa ibang shoppers.

"Naku!away mag-asawa lang pala..istorbo" Mrs. Usisera.

"Hey you! we're not done yet." Dinig kong ungol nya habang ako naman ay patungo na sa counter para magbayad. Manigas sya!

****

Halos two months na ng mangyari yun, mag-ttwo weeks naman ako dito. October na pala, bilis ah! Nga pala halos dito na din ako nakatira sa bahay ni Miggy.

Kasi malapit sa school namin e, tama schoolmates kami. Ang mas malupet pa nyan mga tol classmates na seatmates pa. Oh me gosh! di masyadong pinagduldulan ni fate na pagsamahin kami ano?

"Thea,kumain ka na ba?"

"Yup,tapos na.ikaw?" baling ko sa kanya, "tapos na rin, gusto mo mag-tea?"

"Igagawa na lang kita, tas matutulog na 'ko. Maaga pa kasi akong gigising bukas." Teka kung palagi kaming magkasama pag nasa skwela kami, sinong magbabantay kay baby Gelo? malamang natatanong nyo din yan.

Simple lang, dinadala namin sa school. Aware naman ang school eh, special case kumbaga. Ang dami ngang fans ni Gelo eh. Ang swerte ng batang 'to, ke bata bata HEARTTHROB na.

"Here's your tea, sige una na ako good night."

"Thanks good night Thea."


Babysitter by AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon