EXO's Kai on media section
(Sya sana ang gaganap na Don kaso may dugong western si Don eh kaya di sasakto. Kayo na lang bahala kung sino gusto nyong gaganap)*Jae-Oh*
Kanina pa ako nakatulala dahil sa simpleng ngisi na yun dahil sa ka-iisip. May rumor na pag ningisian ka nya at lalake ka pwes humanda ka na. Wala naman akong pake kung ano man ang binabalak nya pero ang inaalala ko eh ang ano ang magiging impresyon sakin ni Anna. Pag naging kaaway ko bestfriend nya baka mawalan ng pag asa na magustuhan nya ako. Pero kung hahamunin nya ako ng bakbakan hindi ko sya aatrasan.
Napansin ko na kanina pa pala kami nagkakatitigan. At kanina pa syang nakangisi sakin na medyo nagiging awkward na kaya I just rolled my eyes on him saka tumingin ulit kay Ged. Napansin ko din na nakatingin ito.
"Kanina pa kayo nagkakatitigan ni Don ah? Akala ko ba si Annabelle Doll yung crush mo?" tanong ni Ged.
"Anak ka ng tokwa. Anong gusto ko yung gagong yun? Gusto mo ata ng sapak." Sabi ko tapos ko syang suntukin at napa-aray naman sya. "Saka nakita mo yun? Ningisian ako. Nanghahamon ata ng away. At anong Annabelle Doll?" Sasapakin ko na sana sya ulit pero nakaiwas sya.
"Ooww tama na kota ka na. Saka mukha namang manika yung crush mo. Ang liit-- Awww! Brutal mo talaga." Di na nya natapos sasabihin nya kasi sinuntok ko ulit sya.
"Isa pang Annabelle at liit bubugbugin na talaga kita." Saad ko. "Tara na nga. Pakiramdam ko tinitignan padin ako ng gago."
Biglang tumayo si Ged at tumakbo palabas sabay sigaw ng "Ang mahuli manglilibre."
'Hanggan kailan talaga isip-bata talaga itong damulag na ito'. Saas ko sa sarili at tawa ng mahina.
Tumayo na kami dalawa at tumungo na sa pinto para lumabas. Pero habang naglalakad ako, pakiramdam ko ay may tumitingin pa din sa akin kaya napagpasyahan ko na lingunin ito at nakita ko na nakatingin parin sa akin si Don habang nakangisi.
'Problema nito?' Tanong ko sa sarili saka ko sya inirapan.
"P*tangina! Iniwan talaga ako ng damuhong yun? Lagot sakin yun mamaya". Sabi sabay iling sa sarili.
---------------------------------------------------
Pagpasok ko sa loob ng room ay nakita ko si Ged na prenteng nakaupo sa upuan nya. Nilapitan ko ito at binatukan.
"Aray ano ba?!"
"Hoy damuho! 'Bat mo ako iniwan kanina? Masasapak na talaga kita eh."
"Nahuli ka kaya ililibre mo ako mamaya." sagot nito sa akin sabay tawa.
"Sabi na nga ba pera ko lang habol mo."
"Uy di kaya. Nung nakaraan nilibrenga kita kasi ako nahuli. Tapos ikaw ayaw mo." Malungkot nyang saad.
"Oo na sige na. Tigililan mo na nga yan. Ang drama mo talaga".
Umupo na ako sa tabi nya at kinuha ang MP3 at earphones ko. Maya't maya ay dumating na ang guro kaya tinanggal ko na ang earphones bago sya nagsimula sa pagtuturo.
Halos sampung minuto na ang nakalipas ngunit wala akong naintindihan sa mga sinasabi ng guro dahil sa isang bagay. Eh ano pa nga ba edi yung gagong yun.
'Bat ka pa kasi ngumisi! Paano na ang balak kong panliligaw kay Anna? Pag di pumayag yun bugbog sarado ka saking Sheldon ka! Uggghhhh!!
"Mr. Han may problema ba?" Tanong ni Professor McKinley sakin.
Saka ko lang napansin na nakatingin na ang lahat ng nasa loob ng silid sa akin. Tinignan ko si Ged sa gilid ng aking mata at nagtanong ng pabulong
"Napalakas ba yung mga sinabi ko?"
"Hindi naman. Yung naiiritang ungol mo lang". Bulong nya pabalik.
"MR. HAN. MAY PROBLEMA BA?" Medyo napalakas ang pagkasabi nya na halatang naiirita dahil di ko sya sinagot agad.
"Professor may I go out?"
"And why should I let you?"
"Just gonna take a piss Prof."
"OK then you may go but hurry up."
"Thanks Prof." I muttered after exiting the room.
Pagkalabas ko ay pumunta na agad ako sa direksyon na kung saan ang restroom. Di naman talaga ako naiihi. Kailangan ko lang ata ng konting hilamos at ng mahimasmasan.
Habang tinatahak ko ang hallway ay di ko mapigilang isipin ang kanina ko pa na inisip. Ano kaya ang plano nya? Totoo kaya yung nga usap-usapan? Totoo man o hindi ay kailangan kong maghanda.
Sa pag-iisip ko ay di ko namalayan na nakaabot na pala ako sa pintuan ng males' restroom. Kelangan ko ngang mahimasmasan.
Pumasok na ako sa loob at nagsimulang hilamusan ang mukha ko. Pagkaangat ko ng ulo ko ay biglang bumukas ang isa sa mga stall sa restroom at sa pagka-cliche sa lahat ng cliche ay si gagong Sheldon ang nasa loob. Lumapit sya sa sink at nagsimulang hugasan ang kanyang kamay. Di ko na lang ito pinansin at patuloy na lamang ako sa paghilamos.
Nung iniangat ko ulit yung ulo ko ay nakita ko na tapos na syang maghugas at sa tingin ko ay lalabas na. Nagsimula na din akong punasan ang mukha ko habang naglalakad palabas ng pinto pero di pa man ako makalabas ay may nabangga ako na ikinatigil ko. Pagkaalis ko ng panyo ay bumungad sa aking ang mukha ni Don.
'Akala ko ba lumabas na 'to?' tanong ko sa hangin.
Tinitigan ko lang sya at binigyan ng tingin na nagsasaad na 'Tumabi ka' pero parang di ata nakuha ng utak nya kaya nakatitig lang sya sa akin. Unti-unti na akong naiinis pero pinipigilan ko.
"Pwedeng tumabi ka?" saad ko.
Tinitigan nya muna ako saglit bago sya tumabi. Lalabas na sana ako pero ang hindi ko alam ay lalabas din pala sya at nabangga nya ang kanang balikat ko. Bago pa man sya makalayo ay hinawakan ko na sya sa balikat para iharap sya sa akin.
"Abat--- Hoy! Sinadya mo yun no?" Medyo malakas kong tanong.
Tinitigan nya lang ako saglit bago tumalikod ulit pero hinawakan ko ulit sya sa balikat at pinaharap sa akin.
"Don't you think that you need to apologize?" Naiirita kong tanong.
Tinitigan nya lang ako ulit at tumalikod na naman pero di ko sya hinayaan.
"I said apologize to me you jerk!" Iritado kong sigaw.
Sinusubukan talaga ng gagong 'to ang pasensya ko. Pero tinitigan nya lang ako ulit at tumalikod na naman. Sa pagkainis ko ay hinarap ko sya ulit sa akin at sinuntok sa mukha na ikinatumba nya sa sahig.
"I don't care if they fear you here but I'm not afraid of you. Do that again and you'll be raising a red flag."
Sabi ko after walking back to the room. Habang naglalakad ako ay may naalala ako na halos ikinawala lahat ng dugo sa mukha ko.
'Bestfriend sya ni Anna'
"Sh*t! Paano na 'to!"
BINABASA MO ANG
Little By Little (ON HIATUS)
Teen FictionIsang tipikal na araw lang para kay Jae-Oh ang kanyang lunch kasama ang best friend nya. Hanggang sa dumating ang kanyang crush kasama ang best friend nitong ubod ng yabang. At sa isang titig lang ay nagbago ang buhay nya. The thing that Jae-Oh did...