EXO's D.O on media section
(Sya sana yung gaganap na Jae-Oh pero bahala kayo kung sino ang gusto nyong isipin na gaganap. Saka wala din akong mahanap na gaganap kay Don)¤Jae-Oh¤
"Ayan na sya!"
Medyo mahina na sigaw ng mga babae sa lood ng cafeteria.
"Ang gwapo nya talaga."
"Oo girl. Sobra."
Sabi ng mga babaeng nasa katabi naming mesa.Di ko na tinignan kung sino and dahilan kung bakit sila nagkakagulo. Sya lang naman daw ang pinaka gwapo dito sa school. Wala naman akong pake sa kanya. Isang tao lang naman ang pinagtutuunan ko ng pansin.
"Tsk. Kasama na naman nya yung bruha."
"Parang linta. Palaging nakadikit sa ating 'Hot Stuff'."Napantig naman ang tenga ko sa narinig.
"Anong sinabi nyo?"
Medyo pasigaw kong tanong sabay tayo."Narinig mo naman diba? Hindi ka naman bingi kaya di ko na kailangan ulitin."
Sagot ng isa sa kanila sabay irap."Abat--!" Naputol ang sasabihin ko ng bigla akong hinawakan ng katabi ko sa braso para pigilan.
"Wag mo na lang pansinin. Babae yan dude. A man doesn't hurt a woman."
"But--" di ko na naman natapos ang sasabihin ko ng higpitan nya ang hawak nya at binigyan ako 'ng' tingin.
"OK fine. I'll calm down." sabi ko with a bored tone. "And stop cutting me off." I added then sat down.
"Good." maikli nyang saad at umupo na rin saka ako nginitian.
I just rolled my eyes. Pasalamat to best friend ko sya at ayokong di nya ako pinapansin.Tinignan ko na lang ang tiniti-- I mean yung kasama nya. Medyo mataba na mukha, curly na buhok, bilugang mata, medyo matangos na ilong at manipis na labi. May katawan din na pwede nang model. In short, MAGANDA. Hindi ko namalayan na sa kakatitig ko sa kanya ay nakatingin na pala sila sa akin at bigla nya akong ngitian. Umiwas na ako ng tingin at narinig ko sya tumatawa. Nakakahiya!!
"Dude OK ka lang? 'Bat ang pula ng-- oh? Pfffff" Tanong ng katabi ko pero pinutol nya.
"Oh ano? 'Bat ka natatawa?" Tanong ko sa kanya.
"Pffffff.... kasi naman.... pfffff.... Hahahaha! Yung mukha mo dude pulang-pula. Mukha kang over ripe na kamatis." Sabi nya at tinuloy ulit ang pagtawa.
"Abat-- tumigil ka na nga sa kakatawa." iritang utos ko sa kanya.
Pero tawa parin sya ng tawa kaya sinuntok ko sya sa braso. Ng malakas take note.
"Aray! Wa mo nga akong pffff... suntukin. Utos nya.
Pero tinitigan ko lang sya ng masama sabay tanong "Titigil ka na ba o gusto mo pa ng isa?"
"Oo na titigil na pfff.... Aray! Sige na titigil na." Sabi nya sabay upo at pout. Dalawang suntok lang pala ang kailangan dito para tumigil.
Napansin kong hindi na tumatawa ang sanhi ng pamumula ko kaya nagpasya akong tingnan ulit siya. Nakita ko na nag uusap sila. Tinitigan ko ang kasama ni crush na sa kasamaang palad ay best friend nya. 'Bat di pa to nag girlfriend? Halos naman lahat ng kababaihan dito ay nakakandarapa sa kanya. Makapal na kilay, mahabang pilik mata siguradong pagseselosan ng mga kababaihan, kuyal hazel brown na mata, matangos na ilong, at maninipis na labi na siguradong malambot.
Wait-- am I checking him out? Seriously? Ano itong ginagawa ko? Tsk.
Bigla na lang akong nagising sa aking reverie nang napansin ko na nakatingin na pala siya sa akin. He's glaring but when he notice me na nakatingin sa kanta ay bigla itong ngumisi.
Uh oh... I smell trouble...
BINABASA MO ANG
Little By Little (ON HIATUS)
Fiksi RemajaIsang tipikal na araw lang para kay Jae-Oh ang kanyang lunch kasama ang best friend nya. Hanggang sa dumating ang kanyang crush kasama ang best friend nitong ubod ng yabang. At sa isang titig lang ay nagbago ang buhay nya. The thing that Jae-Oh did...