EXO's ChanYeol on media section! (Ged 😍)
¤Jae-Oh¤
Lutang ako ng bumalik ako sa loob ng room. Wala nang ibang tumatakbo sa aking isip kundi ang magiging reaksyon ni Anna pag nalaman nya na sinuntok ko lang naman ang bestfriend nya.
'Ugh! Ano ba 'to? 'Bat ko ba 'to iniisip? Nababaliw na ata ako.'
"Huy! OK ka lang ba? Para kang baliw na sinasabunutan mo sarili mo." Pabulong na tanong sa akin ni Ged.
Saka ko lang na pansin na sinasabunutan ko pala ang sarili ko dahil sa sinabi nya.
"Mukha ngang nababaliw na ako". Pabulong ko din na sagot.
Bakit kami nagbubulungan? Nasa harap lang naman ang teacher na nagtuturo. Nababagot na nga ako. Lalo na ngayon na magulo ang utak ko.
"Ano na? Ipapadala na ba kita sa asylum?"
'Aba't gago 'to ah? Mabatukan nga.'
Tiningnan ko muna si Professor McKinley kung nakatingin ba sya. Nang masigurado kong hindi ito nakatingin at pasimple kong binatukan si Ged.
"Aray!"
Agad namang tumingin si Prof at iba pa naming ka-klase sa kanya.
"Is there anything wrong Mr. Diaz?". Tanong ni Prof.
"No sir".
"Then shut your mouth and listen".
"Yes sir".
Natatawa ako ng palihim sa reaksyon ng kaibigan ko. Alam ko ang iba sa inyo ay nag-iisip na ngayon na ang sama ko para sa isang kaibigan. Wala naman akong pake. Ang alam ko tunay na kaibigan ako.
"Bakit ka ba nambabatok? Kanina mo pa ako binabatukan. Tingnan mo magiging bobo na ako nyan".
"Bakit matalino ka ba?"
"Ugh! Ewan ko sayo"
"Mr. Genesis Diaz!"
Medyo nagulat ako dahil sa sigaw ni prof kaya napatingin din ako.
"Yes sir?" Tanong ni Ged pagkatapos nyang tumayo.
"What are you discussing with Mr. Han? Care to share it with us?"
"I was just asking something about the lesson sir"
"So you think Mr. Han here is the professor?"
"No but--"
"Silence! Since you think Mr. Han knows the answer then let's ask him. Mr. Han?"
I shot Ged a glare that is telling 'Pinahamak mo ako. Lagot ka sakin mamaya' saka tumayo at sinagot si prof.
"Yes Prof?"
"What is metaphor?"
"A metaphor is a word or phrase for one thing that is used to refer to another thing in order to show or suggest that they are similar. Any other question sir?"
"What is hyperbole?"
"A hyperbole is a language that describes something as better or worse than it really is. Meaning exaggeration."
BINABASA MO ANG
Little By Little (ON HIATUS)
Novela JuvenilIsang tipikal na araw lang para kay Jae-Oh ang kanyang lunch kasama ang best friend nya. Hanggang sa dumating ang kanyang crush kasama ang best friend nitong ubod ng yabang. At sa isang titig lang ay nagbago ang buhay nya. The thing that Jae-Oh did...