05: Troubled...and In Trouble

43 3 0
                                    

EXO's D.O (the cutie Jae-Oh! 😍) on media section

¤Jae-Oh¤

Lutang akong lumabas mula sa school. Hindi ko inaasahan ang sinabi ni Anna sa akin. Ilang beses ko pa nga sinampal-sampal ang mukha ko. May mga ibang estudyante pa nga akong nabangga sa hallways at school grounds. Hindi nga ako nakahingi ng dispensa sa mga nabangga ko. Buti nga nakaabot ako sa bus stop at nakasakay ng bus kahit sa ganitong estado.

I LOVE YOU?

Hindi nga ako sigurado kung yun nga ba talaga ang sinabi nya. Pero parang ganun kasi kung titignan ko ang galaw ng bibig nya. Ilang beses kong pinigilan ang sarili kong isipin na hindi yun ganun pero hindi ko maiwasan. Umupo na ako at inisip ko na lang kung may nakalimutan ba ako.

'Hala ang gym bag ko naiwan sa gym!' Bigla kong naalala. Di ako nakapag-paalam kay Ged

Kinuha ko ang phone ko para tawagan sya. Pero nung ilalagay ko pa lang ang password ay tumawag na ito sa akin at sinagot ko naman.

"Jae-Oh speaking" Saad ko.

"Nasaan ka na? Kanina pa ako nag hihintay. Yung  gym bag mo nandito pa." Tanong at sunod-sunod na saad nya.

"Errrr.... nandito na ako sa taas ng bus." Sagot ko naman.

"Grabe naman. Umalis ka ng di man lang nagpapa-alam. Saad nya. "Akala ko ba magpapasama ka sa mall?" Dagdag nyang tanong.

Oo nga. Nakalimutan ko na sinabihan ko sya kaninang umaga na samahan ako sa mall para bumili ng sketch book ng kambal.

"Errr... may nangyari kasi kaya kailangan kong umuwi ng maaga." Pagdadahilan ko.

"Okay. Pero sabihan mo ako next time. Nakakapagod din mag-antay sa wala. Masaket." Madrama nyang saad pero binalewala ko na lang "Paano 'tong bag mo? Ihahatid ko pa ba?" Pahabol nyang tanong.

"Wag na. Dalhin mo na lang sa school bukas." Sagot ko. "Sige mamaya na lang." Pag papa-alam ko dito.

"Sige. Saka yung pustahan natin 'wag mong kalimutan" Sabi nito na ikina-ikot naman ng mata ko.

"Basta ba talaga libre eh 'no? Nagtataka nga ako kung saan napupunta yung kinakain mo." Saad ko.

I admit na kahit gaano sya ka takaw eh maganda pa rin ang katawan nya. Alam 'kong 'di nag wo-work out yun at simpleng jogging every early morning ang ginagawa kasi palaging pumupunta sa bahay at nakakapit sakin. Oo nakakakapit. Pupusta ko pa buhay ko at sigurado bukas ay kakapit yun na parang uggoy sa braso ko at ituturo ang mga iba't ibang stalls sa mall pag pumunta na kami at sasabihin na gusto nyang kainin lahat ng nakatindang pagkain dun. Urgh! Ayoko nang isipin.

"Edi sa abs ko." Pilyo nyang sagot. "Basta bukas ha. Aasahan ko yan. Bayad mo na din sa pang i-indian mo sakin"

"Oo na" Saad ko. "Ibababa ko na to."

"Okay boss. Labyu!" Saad nya at gumawa pa ng 'kiss' sound saka binaba ang tawag.

I rolled my eyes saka inayos ang pagkaka-upo ko. Inunahan pa ako sa pagbaba ng tawag. May pa 'Labyu' pa na nalalaman. Kung si Anna lang siguro sya baka nag-asal tanga na ako. Pero ano ba talaga sinabi nya kanina? Ugrh!

Maya maya ay tumigil ang bus malapit sa mall kaya bumaba muna ako. Bibili na ako ng sketch books ni Ethan. Ayoko ko pa naman na magtampo yun.

Pagkapasok ko sa mall ay pumunta agad ako sa NBS para makabili at makauwi na agad. Nung napasok na ako ay tinanong ko agad ang salesman kung nasaan ang section sketch books at sinamahan naman ako nito. Yung ibang salesman saleslady ay ituturo lang sa akin kung saan ang mga section pero itong isang to sinamahan pa ako. Nung nakarating na kami ay napasalamat ako at "It's a pleasure to help you sir" naman ang nakuha 'kong tugon bago ito umalis. Nagsimula na akong tumingin-tingin ng sketch books.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Little By Little (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon