Dear, Logan
Alam ko na galit ka sakin nitong mga nakaraang araw, alam ko iyon kasi nararamdaman ko sa bawat kilos mo. Pasensya kana kung makulit ako ahh, sobra lang kasi kitang gusto. Sana huwag kanang magalit saakin at pansinin mo na ako, madalas mo kasi akong iwasan pag nag pupunta ako diyan sa inyo at nasasaktan ako. Alam ko na sobrang bata ko para sayo sa edad kong 16 at ikaw naman ay 24, pero sana sana mahintay mo ako hanggang sa maging 20 na ako para pwede na tayo. Ikaw lang ang lalaking gusto makasama sa buong buhay ko, ikaw lang ang lalaking gusto kong maging ama ng anak ko. Sobra talaga kitang gusto Logan, sa twing gabi bago ako matulog nananalangin ako na sana ikaw ang laman ng panaginip ko, at sana mag katototoo ang lahat ng iyon dahil ikaw ang pinapangarap ko bilang maging isang kasintahan. Asahan mo na sayo ko lang ibibigay ang unang halik ko tanda ng tunay na pag ibig ko sayo.
Nag mamahal,
ElenaItinupi ko sa dalawang beses ang papel kung saan ko isinulat ang liham ko para kay Logan, at iniibabaw iyon sa regalo ko sakanya para mamaya. Sana naman hindi na siya magalit saakin, kasi hindi ko kaya ang hindi niya ako pansinin.
Nag handa ako ng sarili at namili ng maisusuot. Simpleng handaan lang naman ang magaganap kung saan imbitado ang ilang kaibigan ni Logan, imbitado rin kami kasi best friend ko si Rain, pero ako lang ang pupunta dahil hindi pwede si Mommy dahil mahamog sa labas kasi gabi na.
Nang matapos akong maligo ay inilabas ko na ang bulaklakin kong bestida at pinatungan ito ng blazer dahil medyo malamig sa labas at wala paman ding manggas ang bestidang suot ko.
Itiniritas ko rin ang mahaba kong buhok at isinabit iyon sa kaliwang parte ng balikat ko. Nag lagay ako ng pulbos at lipgloss sa labi, kinuha ko ang regalo ko na naka ibabaw sa kama ko tsaka na ako lumabas ng kwarto.
"Mommy, aalis na po ako."
Paalam ko kay Mommy.
BINABASA MO ANG
A Letter for Elena (COMPLETED)
RandomA sixteen year old girl name Elena, develops a crush on a 25 year old guy named Logan. Despite Elena, begging in a love letter to Logan, to wait for her until she got 20 so that they may someday get married. Ginawa ang lahat ni Elena para lang mapan...