Ilang linggo na rin ang naka lipas ng, umalis si Logan, papuntang California. Hindi ako maka paniwala na wala na talaga siya sa kanila. Tila ba naninibago ako na dati rati na mag tutungo ako sa kanila ay makikita ko siya doon pero ngayon wala na akong dinadalaw dalaw. Sa twing malungkot ako wala na kong nakikitang Logan, kahit na sa pasimpleng sulyap man lang. Wala nga talaga siguro ang permanente sa mundo kung kaya't lahat ng narito ay unti unti ring nag babago.
Tumingin ako sa labas ng bintana ng aming silid kung saan tanaw ko ang malawak na luntiang palayan, na nasa likod lamang ng aming eskwelahan. Sadyang kay gandang pag masdan at kaaya aya sa mata. Lumitaw ang konting ngiti ko sa aking labi ng maalala si Logan, na minsay matumba ako sa pag bibisikleta, hindi ko pa sinabi sakanya na gusto ko siya noon kung kaya't madikit pa kami noon. Nung minsan pa nga may nag bully saakin ay inaway niya rin. Feeling ko nuon na ako ay isang prinsesa na iniligtas ng kanyang knight in shining armor, mananatili na lang ala ala ang lahat na hindi na pwede pang balikan.
"Elena, tara na uwian na."
Aya sakin ni Rain, at tumango naman ako bilang sagot. Nag ayos ako ng mga gamit at isinilid iyon sa aking bag.
"Kelan niyo pala ipapadala ang ipang papeles na naiwan ni Logan, Rain?"
Tanong ko habang nag lalakad kami.
"Sa maka lawa siguro, o baka ihahatid ni Mommy, sa kanya sa Cali. One month lang kasi si Mommy, dito."
Sabi ni Rain.
"Kung pwede sana ay maisingit ko ang liham na ginawa ko sa loob ng ilang linggo na dapat ay ibibigay ko sakanya araw araw."
"Ano? Sobrang dami non!"
Protesta ni Rain.
"Pag bigyan mo na ko Rain, ito nalang ang paraan ko para maka usap si Logan, pag nag iiskype nga kayo hindi mo sinasabi saakin, para man lang maka usap at maka musta ko siya."
"Haay, sige na nga ilagay mo sa brown envelope para hindi mahalata ni Mommy ah, tsaka para hindi mag kalat."
Laking pasalamat ko at nag karoon ako ng kaibigan na gaya ni Rain.
Pag kauwi ko sa bahay, nakita ko ang sobre na naka ipit sa gate namin. Siguro ay Pldt iyon o anon. Mabilis ko iyong nilapitan at kinuha at binasa kung para kanino iyon. Napa kunot naman ang noo ko ng mabasa ang pangalan ko na naka sulat ng maayos.
Mabilis akong nag lakad papasok sa bahay.
"Andito na po ako Mommy."
Sabi ko saka pasok sa kwarto nila.
"Hello baby, Jr. Ate's home, hindi mo ba pinagod si Mommy? Sana hindi kasi kukurutin kita sa pisngi."
Pang gigigil ko sa kapatid ko ma dalawang linggo palang.
"Sige na anak, mag bihis ka muna. Ang asim mo raw sabi ni Baby."
Natatawang wika ni Mommy. Inamoy ko naman ang sarili ko at wala naman akong asim na na amoy sa sarili.
"Si Mommy, talaga sige na po mag bibihis na po ako."Wika ko at pumasok na sa sarili kong silid. Matapos kong mag bihis, naalala ko yung sulat para saakin. Mabilis ko iyong binuksan at binasa.
Elena,
Huwag tumangis
sa paglipas ng sandali
sapagkat ito'y mahaba
kumpara sa saglit
na hindi na bumalik.Hindi man bumalik,
ang mahalaga
ay ang naiukit
ng tapat na titik
na nagmumula,
sa pusong pumipintig.
BINABASA MO ANG
A Letter for Elena (COMPLETED)
AcakA sixteen year old girl name Elena, develops a crush on a 25 year old guy named Logan. Despite Elena, begging in a love letter to Logan, to wait for her until she got 20 so that they may someday get married. Ginawa ang lahat ni Elena para lang mapan...