"Bumangon ka na Elena, malelate kana."
Sabi ni Mommy tsaka itinaas ang kumot ko. Tumayo naman ako agad ng maalala ko na kailangan po pa palang puntahan si Logan, para mabuo ang araw ko. Nag madali akong nag hilamos at nag sepilyo saka tumakas kay Mommy.
"Magandang umaga Elena, ang aga mo ata."
Wika ni Manong Kiko."Alam niyo na Manong Kiko, para mabuo ang araw ko."
Sabi ko.
"Tiyak na hindi ka papansinin ni Logan, lalo na at hindi ka pa nag susuklay ng buhok mo."
Natatawa niyang sabi.
"Hala! Nakalimutan ko Manong."
Taranta kong sabi.
"Osiya itong suklay ko nalang ang gamitin mo. Pag umuwi ka pa sa inyo baka hindi mo na maabutan si Logan."
Nakatawa niyang sabi. Mabilis ko naman iyong inabot at nag madaling nag suklay ng buhok.
"Salamat Manong Kiko, da best talaga kayo!"
Sabi ko at tumakbo na papunta sa pinto ng bahay nila Logam.
Napili kong Kumatok nalang dahil baka may natutulog pa. Bumukas ang pinto at, iniluwa niyon si Aling Marta.
"Magandang Umaga po Aling Marta."
Bati ko dito.
"Kay aga mo namang naparito, halika at pumasok ka."
Sumunod naman ako dito at nilibot ko ang paningin sa buong kabahayan. Nakita ko ang ilang litrato na naka display at ang malaking Family Portrait na naka sabit sa dingding.
Nakarinig ako ng yabag mula sa hagdan at mabilis ko iyong nilingon.
"Good Morning, Logan."
Masigla kong bati, pero hindi niya ako pinansin at nag tungo lang ito sa dining room.Ano naman kaya ang problema non? Hala! Baka na basa niya na yung sulat. Pero bakit galit siya? Hindi kaya naiinis siya saakin? Bakit naman siya maiinis saakin? Mali bang sabihin ang tunay kong nararamdaman sakanya? Tsaka anong bago? matagal niya naman ng alam na may gusto ako sakanya .
"Elena, ang aga mo dito. Sinusundo mo na ba ako? Teka bakit ganyan ang suot mo?"
Tuloy tuloy na tanong ni Rain sakin.
Nginusuan ko lang ito, hindi ko pinmansin ang tanong ni Rain.naiinis ako,hindi ko ba alam kung may mali ba sa mga sinabi ko sa sulat para hindi niya ako pansinin at sungitan lang niya ako.
"Elena, halika at sumabaya ka na sa magkapatid na kumain."
Aya ni Aling Marta.
"H-Hindi na po, uuwi nalang po ako."
Sabi ko at bagsak ang balikat na nag lakad palabas ng bahay nila.
"Bakit ganyan ang itsura mo?"
Tanong ni Manong Kiko.
"Galit po ata si Logam sakin, hindi niya ako po kasi ako pinansin."
"Hindi lang siguro maganda ang gising non, kaya ganon."
Tumango nalang ako at dumiretso ng lumabas ng bahay.
"Mommy ayaw ko pong pumasok."
"Hindi pwede yan Elena, pumasok ka!"
Ngumuso nanaman ako. Tinatamad talaga akong pumasok, nakakahawa ata ang pagka bad mood ni Logan, kaya heto ako gusto nalang mag mukmuk sa kwarto.
"Mommy, pano po kayo dito, pano kung biglang lumabas si Jr. Wala kayong kasama dito."
BINABASA MO ANG
A Letter for Elena (COMPLETED)
De TodoA sixteen year old girl name Elena, develops a crush on a 25 year old guy named Logan. Despite Elena, begging in a love letter to Logan, to wait for her until she got 20 so that they may someday get married. Ginawa ang lahat ni Elena para lang mapan...