Ilang minuto na akong naka tayo sa dilim at pilit na ipinapasok sa isip ko ang mga ngyari, hindi ko akalain na matatapos nalang ito ng ganito. Hindi maari na hindi ako mag tagumpay sa pag papaibig ko sakanya, alam ko na may puwang ako sakanya dahil ramdam ko ang lahat ng iyon kahit na pa hindi niya iyon aminin.
Tahimik na umagos ang luha ko na parang talon na patuloy lang sa pag bagsak.
" Mahirap ba akong mahalin?" Tanong ko sa sarili.
"Hindi kamahirap mahalin Elena."
nilingon ko si Roland na naka tayo sa likod ko.
"Anong ginagaw mo dito? umalis kana, kung iinisin mo lang din ako."
sabi ko sabay punas ng luha.
"Alam ko ang nararamdaman mo, dahil naramdaman ko na in iyan Elena."
hindi ko siya kinibo.
"Sa pag ibig...hindi lagi masaya, dadating sa puntong masasaktan ka talaga... aasa, kasi akala mo mahal ka din niya."
lumapit siya saakin at tumayo sa tabi ko.
"Elena, pakawalan mo ang sarili mo. Accept the fact na hindi ikaw ang babang tipo ni Logan, marami pang iba diyan na pwede mong magustuhan at magugustuhan ka rin."
"Pero, si Logan lang ang mahal ko!"
Hikbi ko.
"Alam ko naman iyon, pero subukan mong ibaling ang atensyon mo sa iba."
"At ikaw ba iyon?"
tanong ko dito.
"Hindi ko kayang ipilit ang sarili ko sa taong hindi ako gusto Elena, pero sana palayain mo ang sarili mo sa pag kakakulong sa pag ibig mo sakanya."
Humarap siya saakin at hinawakan ang aking mukha.
"Mahal kita Elena, pero handa akong palayain ka at mag desisyon kung sino ang magugustuhan mo. ayokong ipilit ang sarili ko sayo."
pinalis niya ang butil ng luha na nasa mukha ko, pilit naman akong ngumiti kahit na masakit parin ang dibdib ko, dahil hindi ko parin makalimutan si Logan, naisip ko na kailan man hindi siya maaalis sa puso ko at mananatili siya dito.
Matapos ang Birthday ni Logan, hindi parin ako huminto sa panliligaw ko sakanya kahit na madalas akong tarayan ni Ranella, hindi parin ako humihinto.
"Aren't you tired?"
"Saan naman ako mapapagod, Rain, huwg mong sabihin na ngawit na agad ang paa mo, madalas naman nating gawin ang pag lalakad pauwi pagkagaling sa skwela."
Sabi ko saka ayos ng sling bag ko.
"Kay Kuya."
Mahina niyang sabi.
"Kahit kailan hindi napapagod ang puso."
Sambit ko tsaka ko siya nilingon.
"Sorry. Kaibigan kita Elena, kung tutuusin parang kapatid na ang turing ko sayo, pero hindi mo ba alam na ang layo ng agwat niyo ni kuya, mag ka edaran lang tayo, kung kaya't parang kapatid lang rin ang turing niya sayo."
Parang bombang sumabog sa utak ko ang sinabi ni Lorain.
"Alam ko naman iyon...umaasa lang naman ako na—baka magustuhan niya rin ako."
"Mahal kita Elena, ayaw kong masaktan ka ng dahil kay kuya, lalo na at may kasintahan na ito. Kahit na hindj maganda ang pag uugali ni Ranella, mahal siya ng kuya ko."
Parang tinusok ng karayom ang puso ko ng sabihin iyon ni Rain. Masama ba na umasa kahit na alam kong wala naman akong mapapala?
"Alam ko naman iyon, pero, hindi ba pwedeng mahalin ko si Logan, kahit na hindi niya iyon masuklian."
BINABASA MO ANG
A Letter for Elena (COMPLETED)
RandomA sixteen year old girl name Elena, develops a crush on a 25 year old guy named Logan. Despite Elena, begging in a love letter to Logan, to wait for her until she got 20 so that they may someday get married. Ginawa ang lahat ni Elena para lang mapan...