XVII

808 42 10
                                    

Matagal ang update kasi nasa vacation po ako. At kahapon lang ako umuwi dahil may enrollment. So i decided magupdate na rin para makabawi sa inyo :)

***


Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Sa pagkakaalam ko hindi emosyonal ang mga bampira. Marahil ay nananalatay pa rin sa akin ang pagiging mortal ko. Pero sinong niloko ko? ang sarili ko? kitang kita na ang ebidensya na  isa na akong ganap na bampira. Hinding hindi na magbabago at panghabaang buhay na ito. Siguro nga ay tinatago lang nila ang mga emosyon nila na di tulad ko ay lantaran. Matututunan ko rin gawin yun balang araw.

Hindi ko muna piniling umuwi. Tutal naman ay hindi natutulog ang bampira ay magliliwaliw muna ako. Hindi ko muna iisipin ang mga bagay bagay kundi sarili ko muna ngayon.  Ito na siguro ang tamang oras para unti unting tanggapin ang sarili ko. 

Nilibot ko ang mga mata ko sa lugar na kinatatayuan ko. Ngayon ko lang narealize na mas nagpapagaan ng loob ang tahimik na lugar. Idagdag mo pa ang mga magagandang tanawin. Agaw pansin sa akin ang isang puno malayo layo sa kinatatayuan ko. Ito kasi ang pinakamataas sa lahat.

May naalala tuloy ako..

"Habbit mo ba ang umakyat sa mga puno?" tanong ko sa kanya

 

"When I'm bored"

 

"Nakakarelax nga dito compared dun sa tambayan namin ni Racy makapagaral nga kung paano umakyat sa puno"

 

"Don't it's dangerous"

 

"Pero bakit mo ako dinala dito kung mapanganib?"

 

"Cause your with me" he paused

 

"..........and your safe if your with me" he added

 

Napailing iling na lang ako sa alaalang iyon. Lumapit ako sa punong iyon at sinimulang umakyat. Hindi na ako natatakot na akyatin ito dahil alam kong may natatangi akong lakas. Nung makarating ako sa tuktok kitang kita ko ang ang buong kagubatan. Kay gandang pagmasdan. Banayad na humahampas sa akin ang hangin kaya ipinikit ko ang mga mata ko at nilanghap ang sariwang hangin.

Ilang minuto rin akong nakapikit bago minulat ang mga mata ko. Ngunit sa pagmulat ko pakiramdam ko may kasama ako. Malayo ang amoy nya siguro ay nasa malayo ito pero ramdam kong pinagmamasdan nya lang ako sa malayo. At alam ko kung sino ang taong iyon. Si Iracus.

Hindi ko na lang muna ipinuna iyon dahil sabi nya ay lalayuan nya muna ako para makapagisip kaya hindi ko na lang sya pinansin. Hindi naman nya siguro babalaking lumapit dahil naniniwala akong may isang salita sya.

Vampire Existence (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon