III

1.5K 58 5
                                    

Vampire are Weird

Vampire are hard to Understand! Definitely!

***

I was so upset that night since  he came to my room and talk to me

Thinking for what he said and doubt to believe..

What if he wants to play with me before he kill me?

"EULA" tawag sa akin ng kaibigan ko na si Racy.Ang weird kong kaibigan.Nandito kasi ako sa tambayan namin sa kubo na malapit sa ilog.Dito ako pumunta para makapagisip at dagdagan mo pa na nakakarelax ang mga tanawin na makikita dito and at the same time tahimik pa..

"Oh?"

"Napapansin ko lately halos di ka na lumalabas ng bahay nyo..May problema ba?" sabi nito na umupo din sa inuupuan ko

"Sorry marami lang akong iniisip" Ayokong sabihin sa kanya lahat ng pinagdadaanan ko ngayon dahil ayoko syang madamay

"Like what?"

"i think it's privately so better not to talk about it by the way how are you?"  I change the topic dahil ayoko ngang pagusapan

"Don't change the topic my dear! what are friends for?" tila nabasa naman nito na ayaw ko lang sabihin

Yumuko ako at hindi ako umimik

"Sa mundong ito marami ang nilalang.. iba't ibang nilalang pero iilan pa lang ang nakakadiskubre at kung may nakadiskubre man.. malamang sa malamang hindi agad ito pinaniniwalaan ng iba hanggat walang ebidensya" sabi nito na na nahalata na ayaw kong umimik kaya ito na lang ang nagsalita

"may ikukuwento ako sayo" tumingin sya sa akin at sa pamamagitan ng mata ay sinabi kong ituloy nya

"May dalawang nilalang na nagmamahalan  o sa ibang term Wagas na Nagmamahalan pero madaming hadlang sa kanila,madaming gustong sumira pero hindi yun alintana sa kanila bagkos ay iyon ang naging dahilan upang mas mahalin pa nila ang isa't isa.Pero dumating ang araw na mismong pinuno nila na ang gustong humadlang sa kanila dahil may patakaran noon na bawal mahalin ang   hindi nila kalahi." tumigil ito at  tumingin sa itaas

"Anong nangyari sa kanila?" lumingon sya sa akin at mapait na ngumiti.

"Dahil hindi nila mapaghiwalay ang dalawang iyon ay binalak nilang patayin ang isa sa nilalang na yon si Iraculos..ngunit sila ay nabigo kaya kay Irina nila iyon muling binalak ngunit sa pagkakataon naman na iyon ay nagtagumpay sila..Nakita ni Iraculos ang kasintahan na naghihingalo na kaya wala syang ginawa kundi ang umiyak..Ng araw ding iyon ay bigla na lang nawala si Iraculos tangay tangay ang bangkay ni Irina at walang nakakaalam kung nasaan siya...at simula ng araw ding iyon ay sunod sunod na ang may namamatay at ang tanging bakas lang naiwan sa mga bangkay na iyon ay ang dalawang butas sa may bandang leeg nila na ang naging dahilan ng pagkamatay ay pagkaubos ng dugo nila"

"Mga bampira" naibulalas ko

"kaya isang tanong isang sagot naniniwala ka na ba ngayon sa mga bampira?" seryosong saad nito

Wala ng dahilan para itago ko ang mga nalalaman ko tutal naman halata sa mga kilos ko at baka matulungan nya ako sa gumugulo sa isip ko

"Oo ang mga bampira ay totoo"

"Papaano?" Hindi man lamang ito nagulat sa sinabi ko. Dati kasi kapag tungkol sa mga bampira ang pinaguusapan namin ay tumatawa lang ako kaya  nakakapagtakang hindi sya nagtaka dahil sa pagiba ng paniniwala ko

"Mismong mga mata ko ang nakakita" kiniwento ko sa kanya lahat maging ang huling pinagusapan namin ng bampirang iyon

"anong gagawin ko? sabi nya kukunin nya ako"

Vampire Existence (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon