I missed him. Yeah I do. It's been one week since he left.
Malakas ang kabog ng dibdib ko ng sinabi ni Claur na umalis si Iracus. Pero agad naman akong nakahinga ng maluwag nang mapagalamang may aasikasuhin lang ito.
I thought I already lost him.
"Come back to me now, please. I missed you." parang nasisiraang usap ko sa hangin.
Narito uli't ako sa mataas na puno habang tinutunghayan ang buong kagubatan. Ninanamnam ko din ang malakas na simoy ng hangin.
Pinikit ko ang aking mata habang binabalik tanaw ang mga nangyari nung una kaming magkita.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing naiisip ko ang hindi ko paniniwala sa mga bampira.
How ironic na mahal ko ngayon ang isa sa kanila. Mapaglaro nga ang tadhana.
"You should smile often. You're really beautiful." sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko rin maimulat ang mga mata ko sa pagiisip na baka parte lang ito ng pagdiday dream ko.
"I thought you miss me." rinig kong bulong mula sa tenga ko. At dun ko na tuluyang naimulat ang mga mata ko. At parang nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa lapit ng mga mukha namin. Hinapit nya pa ako para mapalapit lalo sa kanya at ramdam na ramdam ko ang malamig nyang presensya.
Papaanong hindi ko sya naramdaman kanina?
Ganun na ba ako kaoccupied sa pagbabalik tanaw sa nakaraan at pag iisip na namimiss ko na sya?
"Iracus." mahinang usal ko sa pangalan nya. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero tanging pangalan lang nya ang nasambit ko.
Nagsalubong ang aming mga mata. At kita ko sa matang iyon ang pangungulila. He cupped my face.
"God! I miss you so much." And the next thing I know. His lips crushed on mine.
Sa sobrang gulat ko ay di ko agad natugunan ang halik nya. But he keep kissing me until I answered back his kiss.
Nang tuluyang maghiwalay ang aming mga labi ay agad akong tumingala sa mukha nya. Nagumpisang mangilid ang mga luha ko sa gilid ng aking mata. At maya maya lang ay sunod sunod na ang patak nito paagos sa pisngi ko.
"I'm sorry." subsob ko sa dibdib nya at humagulgol. Naramdaman ko naman ang agarang pag-alo nito sa aking likod.
"Ssshhh. It's okay. I'm here now. Sorry for leaving you." Pang aalo pa rin nito. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit.
" I love you. You still love me right?" hindi ko na napigilang pag amin dito.
Humiwalay sya sa pagkakayakap namin. Tumingin sya mata ko ng maigi at hinaplos ang pisngi ko kasabay ng pagpahid sa mga luha ko.
"I always do. I love you till forever."
Sa sinabi niyang iyon ay di ko na napigilang halikan sya sa mga labi na agad naman nitong tinugunan.
I smiled when our lips parted. He smiled too.
Nanatili kami sa taas ng puno. Nakayakap sya mula sa likuran ko. Habang kasabay naming pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
"Where did you go?" tanong ko sa kanya matapos ang mahabang katahimikan. Ayaw kasi sabihin sakin ni Claus kung saan ito nagpunta.
"To elder. He wants to talk to me."
"Elder?" Kunot noong tanong kong muli.
"Yeah. Iraculos. The first vampire."
Namilog ang mata ko. "You mean-"
"My grandfather." putol nya sa sasabihin ko.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko.
"You didn't tell me." Inis kong sumbat dito. Humigpit ang yakap nya sakin.
"Your not asking me." Bulong nya malapit sa tenga ko.
Sa inis ko ay humiwalay ako ng yakap sa kanya at humarap sa kanya. Binigyan ko sya ng nakakamatay na tingin.
"For your information, your the one who cut me off when I'm asking you." Nakapamewang na bwelta ko dito. He sighed and pinch my nose.
"Sorry. That's why I'm telling you right now. Wag ng mangunot ang noo mo. Papanget ka."
"Aba' t-" bago pa ko makasagot ay nilukob nya muli ang labi ko. At habang hinahalikan nya ako ay may narealize ako. He just speak tagalog, right?
Nang maghiwalay muli ang aming mga labi ay agad ko syang tinukso.
"You speak tagalog. Try to speak often. I may find you sexy." Asar ko dito. Sumimangot ito kaya lalo akong ginanahang asarin ito. Sinubukan ko ring kilitiin ito sa tagiliran nito. Tawa ako ng tawa sa reaksyon nya dahil mas lalo pa itong sumimangot.
Maya maya ay hinuli nya ang kamay ko na susubukan sanang kilitiin sya sa kanyang baba sa mukha.
"I think your ready to meet elder. He really wants to meet you. He's now waiting to us."
Ngumisi sya ng makitang natigilan ako.
---
A/ N: I'm back. Ayan naigrant ko na yung wish nyo na ipagpatuloy ko. How's my update today? Just comment.P.S
Kinikilig din ako habang tinatype ko'to
BINABASA MO ANG
Vampire Existence (Major Editing)
RomansaVampire don't exist Yan ang pinaniniwalaan ni Eula na tahimik lamang na namumuhay sa isang baryo na pinaniniwalaang pugad ng mga bampira. Para sa kanya "Imaginary Species" lamang yun ng mga tao Pero What if kung mismong mga mata nya na ang nakakita...