1. Just A Friend

6.7K 98 40
                                    

“Wounds from a friend can be trusted, 

but an enemy multiplies kisses.” Proverbs 27:6

_________________

“OUR LITTLE CONVERSATIONS are turning into little sweet sensations. And they’re only getting sweeter every time. Our friendly get-togethers are turning into visions of forever. If I just believe this foolish heart of mine....” kinikilig na kanta ni Cherry Mae sa awitin ni Janno Gibbs na may pamagat na ‘Fallin’.

Pakiramdam kasi niya ay sadyang isinulat ang kantang iyon para sa kanya. Because she was silently falling for someone. Sa isang binata na nagpapatibok sa kanyang puso.

Si Gabriel Hernandez o Gabe. Ang pinakaguwapong basketball player sa campus nila. Ang pinag-aagawan at kinababaliwan ng maraming kababaihan sa San Agustin University o SAU kung saan siya nag-aaral.

Lihim siyang umaasa na sana ay mapansin din siya nito. Hindi naman siguro masamang mangarap. Libre naman daw iyon. Handa naman siyang maghintay ng tamang panahon para sa kanilang dalawa. Handa siyang ipagdasal ito araw-araw para lang maging LTP o Lifetime Partner niya ito. Sana lang ma-realized nito na nag-e-exist pala siya sa mundo at meant to be talaga silang dalawa at saka—

“Para kanino ba ang kantang iyan at mukhang inspired na inspired ka? Naihi ka na ata sa kilig diyan o!”

Agad namilog ang kanyang mga mata nang makilala ang boses na iyon mula sa kanyang likuran. Umikot siya paharap sa nagsalita. Hindi nga siya nagkakamali. Standing on the door to her bedroom was none other than her next door neighbor and childhood friend. Si Lucas Antonio Ybanez o mas kilala sa palayaw na Lee. She immediately pressed the pause button on her magic sing mic and quickly fixed herself.

Hindi na bago sa kanya ang bigla nitong pagsulpot sa bahay nila. Maliliit pa lang sila ay gawain na talaga nito na bulabugin ang mundo niya. Sinasamantala nito ang pagiging magbestfriends ng mga Daddy nila kaya makapal ang mukha nito na pumanhik doon. Even her parents encouraged him to be her bestfriend sa ayaw at gusto niya. So technically wala talaga siyang choice. She was stuck with him since day one.

Hindi lang niya ito basta kababata at kapitbahay. Kaklase rin niya ito sa SAU. Second year na sila sa kursong BS Computer Science.

Kaya lang mula nang magdalaga siya ay pinagbawalan na ito ng mama niya na basta na lang pumasok sa kanyang silid. Mukhang nakalimutan na naman nito ang house rule nila na iyon o sadyang pasaway lang talaga ito kaya nandoon ito ngayon.

“Ano’ng ginagawa mo diyan? Hindi ka ba marunong kumatok?” natataranta niyang tanong.

Sa lahat ba naman ng makakarinig ng kanyang pagkanta ay ito pa na sobra kung makapanlait. Mabuti na lang at hindi niya sinabayan ng pagmo-monologue ang pagkanta niya. Kung nagkataon ay baka narinig pa nito ang pangalan ng lalaking lihim niyang sinisinta. Mabuti na lang din na nakasuot siya ng maayos na damit ngayon. Madalas pa naman siyang naka-short shorts lang kapag nasa loob siya ng kanyang silid para mas kumportable ang pakiramdam niya.

She couldn’t imagine the look on his face if he would see her in such state. Ayaw niyang isipin man lang ang katakut-takot na panlalait na matatanggap niya dito kung sakali. Or the look of horror on his face when her precious baby fats would be exposed to his view.

Nakakalokang isipin. Ewww.

“For your information, Chubby ko, kanina pa po ako kumakatok dito. Kaya lang masyado kang nag-concentrate sa kinakanta mo at hindi mo ata ako narinig,” sagot nito.

One Perfect Love 1: My Heart's Desire PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon