9. Pinky Swear

1.7K 51 5
                                    

“The righteous choose their friends carefully,
but the way of the wicked leads them astray.” Proverbs 12:26

 ________________

“OP OP, op, op. Oppa Gangnam Style!”

Napalundag si Cherry nang may kumanta sa likuran niya sabay tapik sa kanyang balikat. Ganoon na lang ang pagkainis niya nang malamang si Lee pala iyon.

“Hoy, huwag kang malikot at baka matapon ang niluluto ko!” angal niya.

Akmang papaluin niya ito ng pasta spoon kaso ayaw naman niyang magkalat sa kusina ng mga ito. Nasa kusina kasi siya ng bahay ng mga ito dahil sa request nito. Gusto nitong ipagluto niya ito ng Pinoy Style Spaghetti. Mga bata pa lang sila ay alam niyang iyon ang paborito nito.

Kaso sa halip na tulungan siya nito ay ginugulo pa siya nito. May pakanta-kanta pa ito ng Gangnam Style with matching sayaw pa kahit na ang tigas-tigas ng katawan nito. Malayung malayo iyon sa stepping na pinasikat ng singer na si Psy

“Eh, sexy lady. Op, op, op, op. Eh-eh-eh, eh-eh-eh. Jeongsukhae boijiman nol ttaen noneun yeoja. Ittaeda sipeumyeon mukkeotdeon meori puneun yeoja...”

Kahit naiinis ay hindi niya mapigilang matawa sa hitsura nito. Wala ito sa timing at choreography. Baka masira lang ang image ni Psy kapag hindi pa ito tumigil.

“Tigilan mo nga yan, baka sumama pa ang lasa nitong niluluto ko, sige ka,” banta niya dito.

Nakahinga siya nang maluwag nang tumigil ito at nangalumbaba sa marbled counter top kung saan naroroon ang induction stove top. Hinihintay niyang maluto ang pasta.

“Pinapatawa lang kita para mas lalong sumarap ang niluluto mo. Nakasimangot ka kasi,” anito.

Bumuntunghininga siya. “Paano naman ako hindi sisimagot eh nanggugulo ka diyan?”

“Paano kita hindi guguluhin eh bagay na bagay ka sa kusina namin. Para kang one big yummy food,” panunukso nito.

Hindi pa nito nakuntento. Ginalaw-galaw pa nito ang dalawang kilay nito. Talagang pinapainit nito ang ulo niya.

Ngunit sa halip na sobrang maasar dito katulad ng dati ay napangiti na lang siya. Maging siya ay nagugulat sa sariling reaksiyon dito. Dati naman ay nag-aalburuto na agad siya kapag nilalait siya nito. Pero ngayon ay konting inis na lang ang nararamdaman niya.

Bakit kaya?

Does it have something to do with the fact that he looked so happy today? O baka naman dahil sa nababasa niyang tenderness sa mga mata nito sa kabila ng mga pang-aasar nito ngayon?

Or maybe, just maybe, it was her heart who decided to just enjoy the moment and silence the questions of her mind?

Hindi niya alam kung alin sa mga iyon ang totoong dahilan. Basta, masaya siya ngayon dahil alam niyang napapasaya siya nito.

“Ay naku, tigilan mo na nga lang ‘yang pagtitig mo sa ‘kin at baka mamaya, ma-in love ka pa,” ganting banat niya dito.

Napaubo ito sa narinig. Kasalukuyan kasi itong umiinom ng iced tea na galing sa ref ng mga ito. Bumelat siya dito dahil sa pagkasamid nito.

Chubby ko, maliban na lang kung lagyan mo ng gayuma ang niluluto mong spaghetti, malabong ma-in love ako sa’yo. Nakalimutan mo na ba ang promise natin sa isa’t isa noon? I will never fall in love with my bestfriend,” sagot nito nang makabawi.

One Perfect Love 1: My Heart's Desire PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon