“I have sought your face with all my heart;
be gracious to me according to your promise.” Psalm 119:58
_________
“PASENSIYA ka na pala sa mga kasama ko kahapon, ha? Mga isip-bata kasi ang mga iyon at halos lahat ng lang nilalait nila,” hinging paumanhin nito.
Naroon pa rin sila sa silid niya. Nakasalampak sila sa sahig na yari sa kahoy. Binubuklat niya ang songbook ng kanyang magic sing upang hanapin ang kantang A Whole New World. Gusto kasi nitong panindigan ang sinabi nito sa Mama niya na mag-e-ensayo sila ngayon. Wala namang kaso iyon sa kanya dahil tapos naman na niya ang mga assignments niya sa Drafting.
Tumingin siya kay Lee nang may pagdududa. “Tama ba ang naririnig ko? Humihingi ka ng pasensiya? Ano’ng nakain mo?”
Matamis naman itong ngumiti sa kanya. “Nakakagulat ba? Siyempre, bestfriend kita. Dapat lang na ipagtanggol kita sa mga nang-aapi sa’yo,” pagyayabang pa nito.
Lalo siyang nagduda sa mga pinagsasabi nito. “Kung maka-bestfriend ka, wagas ah. As if naman hindi mo rin ako nilalait. Ang salbahe mo rin kaya sa akin,” aniya.
“Yun na ng eh. Dapat ako lang ang may karapatang laitin ka. Kasi mula pagkapanganak pa lang natin magkasama na tayo. Ang dami na nating memories. Imagine, seventeen years na tayong magkaibigan. Nabasa ko na kapag lumampas daw ng seven years ang friendship, pang-eternity na daw yun,” sagot nito.
Sa dami ng sinabi nito, ang huli lang ang tumatak sa isip niya.
Kapag lumampas ng seven years ang friendship, pang-eternity na...
That’s good news. Ibig sabihin, hanggang sa kamatayan niya bestfriends by default pa rin sila. Kaso bakit ganoon? Bakit parang nalungkot siya sa sa sinabi nito? She should be happy. Lee was meant for someone else habang siya naman ay matiyagang maghihintay para sa ibibigay ng Diyos sa kanya. Everything was according to her plans. So bakit siya nalulungkot? Bakit parang gustong magprotesta ang mapanlinlang niyang puso?
“You’re beautiful when you look at me like that.”
Napakurap-kurap siya nang marinig ang boses ni Lee. Noon lang niya namalayang kanina pa pala siya nakatitig sa mukha nito. His handsome face was just inches away from her. He was grinning from ear to ear.
Agad nag-init ang kanyang mukha at mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
Muli ay ibinalik niya sa songbook ang kanyang pansin. Alam niyang namumula ang pisngi niya ngayon. She couldn’t think of a good excuse kung bakit siya nakatitig rito kanina. Lalo pang nagrigodon ang puso niya dahil sa sinabi nito. Ngayon lang niya nadama ang sinseridad sa boses nito nang sinabihan siya nitong she looked beautiful.
Dati kasi ay halatang nang-aasar lang ito. Ngunit ngayon ay hindi niya maipaliwanag bakit pakiramdam niya ay tumaba lalo ang puso niya. Dati pa namang nababalot ng fats ang puso niya ngunit mas lalo na atang tumaba iyon ngayon. Hindi na siya magtataka kung magkaka-heart attack siya anumang oras.
Sa sulok ng mga mata niya ay nakikita niyang nakatitig ito sa kanyang mukha. Pinag-aaralan siguro nito ang ekspresyon niya ngayon.
“Ayan, nakita ko na ang kanta. Praktis na tayo,” sabi niya dito upang matapos na ang moment na iyon.
Nakahinga siya nang maluwag nang tumayo ito at kinuha ang magic sing mic sa lalagyan niyon.
“Sige, ano ang number?” tanong nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
One Perfect Love 1: My Heart's Desire PUBLISHED
Chick-Lit**BEST FRIENDS TURNED LOVERS STORY** "There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love." 1 John 4:18 ________ Lahat tayo ay may one true love. I...