“A friend loves at all times, and a brother is born for adversity.”
Proverbs 17:17
_____________
KANINA PA NAKAUPO si Cherry Mae sa isa sa dalawang silya na nasa tapat ng mesa ni Miss Hilda Morales o Miss M. Ito ang PE 4 teacher niya sa San Agustin University. Second year college na siya ng nasabing paaralan. Second Sem na noon at huling semester na rin iyon na kailangan niyang kumuha ng PE subject.
Ipinatawag daw siya ni Miss M dahil may mahalagang bagay daw itong sasabihin sa kanya. Ngunit hanggang ngayon ay abala pa rin ito sa pagsusulat sa lesson plan nito. May ini-encode din ito sa computer nito na sa hula niya ay mga grado ng mga estudyanteng hawak nito.
Ayaw naman niya itong kulitin at baka masermonan na naman siya nito. Nakakahiya dahil napag-alaman niya na dati pala itong kaklase ng mama niya noong nag-aaral pa ang huli sa mismong unibersidad din na iyon.
Education din kasi ang natapos ng mama niya pero matagal na itong nag-retire. Early retirement ang kinuha nito dahil na rin sa kagustuhan ng papa niya. Ayaw nito na napapagod ang mama niya. Maganda naman ang takbo ng negosyo nila kaya pumayag na rin ang mama niya na maging fulltime mother and housewife.
Mukhang may ideya na siya kung bakit siya ipinatawag ni Miss M ngayon. Hindi na naman kasi siya naka-attend sa Swimming session nila noong nakaraang araw. Inatake kasi siya ng hika noon kaya hindi na siya nakasali. Sa halip ay nasa clinic siya at nagpa-nebulize upang maging maayos ang kanyang paghinga. Pagkuwan ay tumambay na lang siya sa library dahil bukod sa air-conditioned roon ay nandoon din ang mga paborito niyang libro.
This year lang naman kasi siya inatake ng hika. Dati naman ay ayos lang sa kanya ang sumali sa mga field demonstrations, sayaw at mga laro na bahagi ng PE subjects nila. Naintindihan naman ng ibang professors niya ang nangyari dahil may medical certificate naman siyang ipinakita sa mga ito. Inaasahan niyang bibigyan din siya ni Miss M ng project ngayon upang makabawi siya sa swimming sessions na hindi niya nadaluhan.
Ngunit iba ata si Miss M sa lahat ng mga professors niya. Dahil kahit may excuse letter at medical certificate na siya ay hindi pa rin siya nakakaligtas sa lintanya nito noong nakaraang araw. Ipinaalala na naman nito sa kanya na kailangan na niyang mag-diyeta upang maiwasan ang pag-atake ng asthma niya.
Sang-ayon naman siya doon. Iyon din kasi ang sinabi ng pulmonologist niya. Ang extra fats nga daw niya ang isa sa mga dahilan kung bakit inatake siya sa asthma. Idagdag pa doon ang familiy history niya dahil asthmatic din ang mama niya. Kaya hindi na siya nagulat kung lumabas din sa kanya ang sakit na iyon.
Kaso mas madaling sabihin na mag-diet at mag-exercise na siya ngunit sadyang napakahirap iyon gawin. Besides, hindi naman big deal sa kanya ang figure niya. She was a certified food-lover kaya tanggap niya lahat ng bilbil niya sa katawan. Patunay lamang iyon na hindi pa kinakapos sa pera ang mga magulang niya at may pambili pa sila ng pagkain.
Alam din niyang makakatulong ang swimming upang ma-exercise ang lungs niya. Kaso ano’ng magagawa niya kung noong araw ding iyon ay hirap na hirap na siyang huminga? Isusugal pa rin ba niya ang buhay niya para lang sa subject na iyon?
“Hi Miss M! ipinatawag niyo raw po ako?”
Boses iyon ng isang lalaki mula sa bukas na pinto. Agad siyang napalingon sa pinanggalingan niyon. Umangat ang isang kilay niya nang masino ito.
Standing on the open door was none other than Lee. He looked more handsome than the last time she saw him. Tila umabot hanggang tenga nito ang ngiting ibinigay nito sa kanya. Mukhang masayang-masaya ito na nagkita sila samantalang siya ay biglang na-self conscious dahil sa biglang pagdating nito.
BINABASA MO ANG
One Perfect Love 1: My Heart's Desire PUBLISHED
ChickLit**BEST FRIENDS TURNED LOVERS STORY** "There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love." 1 John 4:18 ________ Lahat tayo ay may one true love. I...