Kusa siyang nagpaalam, kung narinig man siya, sa kaniyang mga magulang kalahatian ng junior high na aalis siya papuntang siyudad at makitira sa lola niya. Pakiramdam niya'y malaya na siya, lalo na nang bawian ng buhay ang lola niya bago magpasukan, ngunit sa kabilang banda'y ramdam niya ang epekto ng pagtakas niya sa problema. Na siguro kung mayroon mang darating na along hindi na niya matatakasan, baka malunod lang siya tutal hindi pa niya nasusubukang humarap dahil puro siya patangay.
"Niko, nagawa mo assignment sa Math?" Gusto na niyang maglupasay sa lamesa, hindi lang inip, ngunit pagod ang nakadagan sa payat niyang katawan. "Oy, Niko."
"Ha? Oo." Mahigpit na nakaipit sa pagitan ng hita ni Niko ang isang bote ng energy drink. Hawak niya ang cellphone na kanina pa niya pinaglalaruan.
"Pakopya."
Kumunot ang noo nito at ibinaba ang cellphone. "Ha? Ano?" Kamot nito sa batok.
"Assignment kako sa Math! Nakagawa ka?!"
"Hindi, ang hirap kaya." Ibinalik nanaman nito ang atensiyon sa pinaglalaruan. "Sinong nagsabing nakagawa ako?"
Gusto na niyang ipukol ang hawak ni Nikong telepono at ibalugbog ang bote ng energy drink sa mukha nito para makausap manlang ng matino. "Sabi nung pader." Sagot niya habang gumuguhit ng ipo-ipo sa likuran ng kwaderno.
"Ha? Oo." Muling sagot nito. Huminga siya ng malalim at pinandilatan ang kaibigan na walang kamalay-malay. Pero masiyado siyang tinatamad na sakalin ito kaya ibinaling niya ang atensiyon sa baboy na nakahiga sa lamesa.
Nakatihaya ito sa gilid ng lamesa, malakas ang paghinga pero hindi humihilik. "Tabs, Jaymi, tabs." Tawag nito.
"Puta sino baaaa? Wala akong paki sa mat." Reklamo nito habang hinihimas ang bilbil. "Kapag hindi mo kaya, at hindi kaya ni Niko edi malamang mas hindi ko kaya."
"Malay mo, natauhan ka kagabi tapos bigla mong naisipan na buksan yung libro."
"Wala naman akong libro Layal. Bakit di mo tanungin si Kaito-Rion mah man? Nagpapakopya naman siya kapag tinanong mo."
Inikot niya ang mata at nakita si Rion na nagbabasa nanaman ng libro. Sa kaiputuran ng kaniyang pang-unawa, dama niya ang poot na galit siya sa taong ito, nasa kaniya na ang lahat. Magarang sasakiyan, makinis at maputi ang balat, kahit anong kasuotan ay bumabagay, at kahit makapal ng kaunti ang salamin nito e bakit 'cool' ang dating at hindi 'nerd' ? Siya rin ang pangatlo sa kanilang klase. Kung siya raw ang nasa posisiyon nito, ayos na ang maging pangatlo.
Pero lahat naman tayo ay nadadala ng inggit, hindi natin mapipigilang magalit sa iba dahil nakikita natin sa mga taong iyon ang mga taong gusto-nating-maging. Ngunit tayo ay nabigo. At para naman sa mga kagaya ni Rion, hindi ba't isang compliment na kinagagalitan ka dahil mas nakalalamang ka sa kanila?
"Putangina kagabi, uminom ako ng gatas ng kalabaw." Tawa ni Jaime habang nakapikit, hinihimas parin ang kaniyang tiyan.
"Tapos?"
"Ha? May kasunod pa ba yon?"
Gusto na niyang katayin ang banoy (Bano + Baboy = Banoy) na nakahiga sa mesa, kung hindi mga walang kwentang salita ang lumalabas sa bibig ni Jaime, mga salitang 'uncouraging' na may kadugtong na 'No regrets, walang pagsisisi.' Sa dulo. "Alam mo kasi Layal, kung di mo kaya, simple lang, edi wag mo gawin. Nahihirapan ka na ipagpapatuloy mo pa... Minsan okey lang mapahiya sa buong klase."
"Bakit?"
"Makakalimutan din kasi nila."
"Kaya ba lagi kang napapahiya?"
BINABASA MO ANG
Dahil Wala Nang Mga Bituin.
Short Story"Buong buhay ko iniisip ko kung anong gusto kong maging, kung ano ba ako sa hinaharap. Pero nandito na tayo. Tangina Jaime, ang saya-saya natin dati. Anong nangyare?"