Kongratulesiyons

25 2 1
                                    

"Okay so, mag-aasign ako ng groups for remedial, dahil yung iba hindi pa marunong ng addition at subtractions ng fractions at decimals. Siyempre tuturuan kayo ng may alam until next week."

"But today's Monday, ma'am."

"Yes Mr. Severino, it's Monday and you're all starting today." Sagot na pasarkastiko ng kanilang guro. "Ngayon, mayroon akong box, kung number one ang mabubunot ninyo that means kagroup niyo si first honor, in this case the leader of group one is Rosie, group two is Frederick, group three is Rion, group four Venus, and group five Ellie."

"Only five people each group, and by the end of next week I will have an exam with two problems."

Nakahinga ng maluwag si Niko na para bang nabunutan siya ng espada sa dibdib.

"Each problem composed of fifty questions. Thank you."

Ngunit mabilis din itong bumalik para sa mas malalim na turok. Ilang beses na niyang sinubukan ngunit nauuwi lamang ang lahat sa pagkaawa sa sarili. Bumunot na siya ng papel at hiniling na makuha ang numerong pang-una, sinundan naman siya ni Jaime na halatang namili ng numero at ipinasa kay Niko ang isa.

Si Rosie ang unang nagpaunawa sa kaniya ng division ng fractions, noon, ipinaalala ng mundo kay Lyle kung gaano siya katanga. Magaling rin magturo ang kulot na dalaga, ngunit... Ngunit pangatlo ang nabunot niya, nagsisibungisngisan naman sa tabi niya si Niko at Jaime na pinagtatawanan siya.

"Alam mo ba na evil plan ni Jaime na makuha natin 'to?"

"Alam mo Niko, minsan nagtataka ako kung may utak ba si Jaime o tumatalino siya dahil sa taba niya."

"Ano ba? Wi nid ich ader." Hinila nito ang upuan ni Rion na nakasimangot, as usual, na para bang matagal na silang magkakilala ni Jaime. "Diba lider?"

"There should be five members, where's the fifth member?" Tanong nito at tinanggal ang salamin, marahang naniningkit sa kainggitan ang mata niya, oo, ni Lyle.

"Ako, smartypants." Umamoy kaha ng sigarilyo sa pagdating ni Queen Clementine Roman, hindi siya prinsesa, kundi reyna, may 'Queen' man sa kaniyang pangalan e hindi ito ang pinapakita niya. Mahaba ang manipis niyang buhok na umaabot sa tagiliran, maitim ito pero hindi nito madadaing ang ethereal darkness ng kaniyang kaluluwa, maputla sa taglay na lahi ng ama at pagiging anemic, at tsokolate ang kulay ng mga mata. Maganda siya kung mag-aayos, ngunit para sa isang makata, na nahihiya pang magpakita, pero narito lang sa loob ng silid, wala nang mas gaganda pa sa pagsasatao ng isang tipak ng kamatayan sa isang takot na mundo. "Partially, I know everything in math, but it's five and I need to go home. Puwede bang hindi na ako umattend?"

"Hindi porke walang teacher aalis ka na." Pagpigil ni Niko, habang nakatingin sa sulok ng kaniyang mga mata, inaaninag kung ano ang reaksyon ng isang nagmumuni-muni.

"Okay, let's be honest, si Jaime lang naman may kailangan ng tulong."

"Everyone follow me, to the library." Tumayo na ang kanilang leader, pero nakatingin lang sila rito at si Jaime lang ang masunuring sumunod. "Please." Wala mang emosiyon, napilitan na silang hablutin ang mga gamit at sumunod sa kaniya.

"You're saying you can't divide fractions?"

Matutuklap na ang batok ni Jaime kaka-kamot sa batok. "Eeeeeh, oo." Sabi nito.

Nagbuntung hininga sa Rion habang abala ang iba sa paggawa ng seatworks na nakalagay sa libro. Tinabig ni Clementine ang braso ni Lyle at bumulong. "Negative multiplied by negative?" Tabig nitong muli. Sa totoo lang, hindi rin niya alam dahil nakalimutan na niya, manghuhula na sana siya pero "Positive." Singit ni Niko na kanina pa tapos. "Thanks."

Matapos ang ilang minuto, tsinekan ni Niko at Rion ang mga sinagutan nila. "Niko, sa totoo lang magaling ka, pero watch out sa signs at decimals, doon ka madalas nagkakamali."

"Orion Kaito Ryosuke totoo mong pangalan?" Biglaang tanong ni Clementine. "Kaya pala hindi ka makita nila Stacy sa Facebook at IG."

"Wala akong Facebook."

Napangiti si Lyle. "Wala kang Facebook?"

"At IG."

Nagpipigil ng tawa si Niko at Lyle habang nakatulala lang si Clementine at naka-awang ang bibig, tinatanong ang sarili niya sa mga segundong iyon kung paano pinagkaitan ng biyaya ng modern day technology ang isang nilalang katulad ni Rion.

"AHAHAHAHAHAHAHA! KAYA MAGALING SA MATH SI ABAY, WALANG CALCULATOR! AHAHAHA!"

At dahil sa tawa ni Jaime, napaalis sila sa library, nagpaalam na rin sila sa isa't isa at nagplanong magreview tuwing lunch break at vacants, dahil wala na rin naman silang gagawin sa mga oras na iyon kung hindi magtanong kung 'bakit wala akong kaibigan?' O 'Bakit ganito naging mga kaibigan ko?' O kaya naman 'Bakit ba kasi hindi ako natulog ng maaga?'

"Dibaydibay."

"DI-VI-DED BY." Malapit na siyang sampingilin ni Niko ng palakol. "Jaime, kahit ngayon lang maki-cooperate ka."

"One dibaydibay one."

"Divided by." Pagtatama nanaman nito.

"Sige nga, sagutin mo." Ngisi ni Lyle habang sinisipa sipa ang lata ng soda habang naglalakad sila sa papunta sa likurang gate ng eskwelahan. "One divided by one."

"Edi one! Di ako tanga!" Tinabig nito ang kasama na natabig din si Niko.

"Puta ano ba?! Para kayong bata."

"Ikaw nga o? Kung matanda ka na, wanhanred taimis portytwo."

"4,200."

Huminto si Jaime sa paglalakad at sumenyas-senyas sa ere na parang nagsa-sign language. "Pfft." Natawa na lang si Lyle at nagbuntung hininga si Niko. Wala pang sampung segundo kumunot na ang noo nito at dumukot sa bulsa para kuhain ang cellphone niyang mas mabagal pa sa utak niya. "Abaaaaa, tama si Niko my boi! Kaya nakakapasa ako sa eksam e!"

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad. "Kaya nga pati personal na tanong na dapat ikaw ang sumagot kinopya mo na e." Ngiti ni Lyle habang pinipisil ang braso ng kasama.

"Aba, alam ko na ako magsasagot n'on."

"Kelan mo pa naging hobby ang Abacus?"

"AHAHAHAHAHA YON DA BEST D'ON NIKO." Inakbayan niya ang dalawang kaibigan, at sinimulan ang pagkanta. "KONGRATYULESIYON, GRA-GRADUATE KA NA PALA." na sinabayan ng dalawa.

"NAKAKAGULAT KA, PARANG MILAGRO NA SAYO. MAGPASALAMAT KA NAMAN SA KLASMEYT NATIN NA KINOPYAHAN MO NG APAT NA TAON!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dahil Wala Nang Mga Bituin.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon