Chapter Three - When She Smiles

2.8K 88 54
                                    

(Daniel's PoV)

Nakakabagot talaga mag-aral, pakiramdam ko paulit-ulit nalang ang mga lectures. Nakakaumay ang itsura ng mga professors, parang napapaisip akong magdrop nalang pero habang pinagmamasadan ko si Kath natutuwa akong pumasok. 

Ewan, masarap lang siguro syang pagtripan? Matapang sya at tiyak ko walang panama ang charm ko sa kanya. Nakakapanibago at nakakatuwang isipin dahil may nag-iexist pa ang ganitong babae sa paligid ko. Nakakasawa na kasi halos araw-araw na ginagawa ng Diyos, maraming babae ang umaaligid sa akin.  Di ko naman sadya at 'di naman ako nagmamayabang pero yun ang totoo.

Nang sa wakas natapos na ang klase ko ngayong araw. Inilibot ko ang aking paningin upang masulyapan ulit sya, alam ko magkaklase kami ngayon at nakita ko sya kanina.  Tila natakot itong si Kath sa akin, ang bilis makalabas ng classroom. Natatawa ako habang naiisip yung ginawa ko kanina sa una naming klase. 

Hindi ko sadyang pandilatan sya ng mata, nabigla lang ako ng tinadyakan nya  kaya ako. Lalo tuloy akong ginanahang asarin sya, at sa pagkakataong ito, sisiguraduhin ko na ako ang panalo. Ayaw nya siguro ang inaasar sya? Napaka serious nya sigurong tao no? 

She should not mess with me, nagkakainteres na tuloy akong kilalanin sya.  Lalo na kapag nakikita ko yung mga mata nya, It reminds me of someone I used to know. Though alam kong malabong maging sya iyon. 

"Whew, nagbago ba talaga taste namin dude?" si Jerome habang sinusundan ng tingin ang nagmamadaling si Kath. Halatang nanakaw rin ang pansin ng kaibigan kong ito ng babaeng yun? Talagang kakaiba sya. 

"Ang sabihin mo.. itong si Daniel ang nawalan ng taste! Ang ganda kaya ni Kathryn" pailing-iling na wika ni Marlo tila ang sama pala ng sinabi ko para magkaganyan sila? 

"Teka, Hindi na ba ako pwedeng magbiro? Parang 'di nyo naman ako kilala" nakangising saad ko.

"Dude, Ewan ko talaga sa iyo at inaaway mo yung napakandang dilag kanina! Nahihibang ka na ba?" Si Diego. Itong isang ito ba't pa sumali. Naiinis pa naman ako sa mga pinagsasabi nya.

"Ahhh ganun? Gusto nyo suntukan nalang tayo ehh ang iingay nyo!" pagbibiro ko sa kanila. But I was acting na parang totoong nakikipaghamon ng away. Eto namang si bestfriend Janella naniwala agad.

"Uy naman oh, Huwag daanin sa init ng ulo! So ano ? Let's drop this subject, para wala ng gulo" suggestion ni best na hindi naman ako makakapayag. Nag-ienjoy na nga ako. 

"No!!" sigaw ko. As in napaka-OA sa napakalakas na sigaw. Kahit mga estudyanteng dumadaan napatingin sa amin. What the hell? Ano yung ginawa ko awhile ago? Epic! Sigaw ko sa aking isipan. Nagslubong kilay ni Best at nagpipigil tumawa itong si Diego.

"Pffft " si Diego pinipigilan tumawa. Sarap sapakin ah.

"No Comment" wika ni Marlo. Habang si Jerome rolled his eyes.

"Hindi mo naman kailangang sumigaw Best, kung ayaw eh di huwag" nakangising si Janella. May laman ang mga ngiting iyon. Parang nangungutya. Sige subukan lang nilang katyawan ako baka magkagiyera sa pinilakang tabing.

"Hey! Hindi si Kathryn ang dahilan kung bakit ayaw kong idrop yung subject noh" I defended myself, again and I messed up. Nagtawanan ang mga loko. Sa pagkakataong ito ako yata ang pinagkaisahan tsk! 

"May sinabi ba kami na dahil sa kanya dude?" nagpipilosopong wika ni Diego. Hawak hawak ang kanyang tiyan sa kakatawa. Upakan ko na kaya 'to? Kung 'di ko lang talaga 'to kilala simula highschool baka 'di ako makapagpigil. Mabuti at kilala ko na 'tong alasakador na 'to!

When Ugly Duckling turned into SwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon