Chapter Eighteen - Unexpected moment

1.6K 38 11
                                    

(Kath's PoV)

Lokong Daniel yun, lumabas ng klase hindi na nagbalik. I pass by my locker, napansin kong may nakausli ulit na papel. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat doon.

]Kathryn, 

Hintayin mo ang alay kong  kanta sa biker's club party! Makikilala mo ako.

Secret Admirer

Ano ba yan, so kailangan ko pa talagang magpunta sa party na yun para makita ang taong ito? Baka mag assume itong S.A. ko na siya sadya ko doon.

"Ang seryoso mo naman" isang malamig na boses mula sa aking likuran ang aking narinig.

"Ay tipaklong!" I exclaimed, nagulat kasi ako ng pag lingon ko nakita ko siya.

"Sam, sinadya mo bang gulatin ako? Kasi effective ehh."reklamo ko.

"Pasensya kana if nagulat kita. Kumusta ang klase mo?"

He seems so weird. Is he checking-up on me? Bigla-bigla nalang nag-iba ang aura niya, para sa akin. I don't know why.

Nakafeel ako ng kaba when he slowly moves papalapit sa akin. Napasandal ako sa locker. Damn! Anong ginagawa niya? Kumabog ang puso ko. Gusto ko si Sam, pinapangarap kong makasama siyang muli, Pero ngayon tila may mali ng masilayan ko siya ng malapitan.

"Kath please be my date tomorrow sa party" Ano ba naman to, napaka awkward naman ng position namin tapos mang-iinvite siya? Isang maling galaw ko lang mahahalikan niya ako.

"Sam! What are you doing?" Isang boses ang narinig ko. Lalong nagpalakas ng heartbeat ko. Gusto kong lumingon sa kanya pero hinawakan ni Sam ang mukha ko.

"Please be my date." Nagsusumamo ang mga mata niya. He wanted me to say yes. Ano ba ito? hindi man lang niya bibigyan ng time makapag-isip.

"Sam ano ba?!" I heard again his voice again. I think nagpipigil lang siyang sunggaban si Sam at ilayo ako mula rito. Ang lapit na kasi ng mukha ni Sam sa akin.

"Shut up! Nag-uusap pa kami!" Pagmamando niya dito. Ang angas niya ngayon, malayo sa naiimagine kong Sam na prince charming ko. Ngunit my heart still beats faster. I don't know baka natatakot or na carried away sa moment kaya ganun?

"Please... don't say no, or else hindi ka makakawala sa akin" he smiled. Grabe this man was trying to bribe me.

"o----kay, sige na!" I responded. Para matigil na siya at macontrol ko ang posibleng gawin nang lalaking nagpipigil lang na nakatingin sa amin.

"Well that's it, see you tomorrow my princess"then slowly he give way for me to move. Somewhat same sila ng style nitong si Daniel para mapabilis ang usapan. Ngunit sa tingin ko mas mapangahas itong si Sam.

"Daniel.." wika ko ng makawala sa pangkocorner ni Sam. Nakita ko ang kamao niya na tila naghihintay lang ng time para masuntok ang kapatid.

"Bro, easy lang. I'm just talking to her. Sige bye" hindi umimik si Daniel hanggang nawala si Sam sa aming paningin.

"Daniel, okay ka lang?" tanong ko sa kanya hindi kasi siya umiimik. Huminga siya ng malalim at nagsalita.

"Pwede mo akong samahan?"

"Saan naman?"

"Basta samahan mo ako sandali at ihahatid nalang kita pauwi"

When Ugly Duckling turned into SwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon