Chapter Thirty Eight - Let's live together

1.3K 26 6
                                    

(Kath's PoV)

Huminga ako ng malalim. Nakatingin silang tatlo sa akin lalo na si Daniel.

"Pfft.." natatawa ulit siya. Pinadilatan ko siya ng mata. Tapos kinurot ko sa braso.

"Aray! Sakit naman nun" reklamo nito. Hindi parin inaalis ang ngiti nito.

"Ang kulit mo kasi ehh" nakapout na ako. "Ano ba ipaintindi niyo naman sa akin! Ano Mich buntis ka ba? Bakit ka nagkakaganyan!?" pranka kong tanong sa kanya, pero mahina lang.

"pfft..." natatawa si Mich.

"Wow ang straight naman nun. Sa tingin mo naglilihi si Mich?" tanong ni Diego. Na pinabdikatan ng mata ni Mich,

Hinimas naman ni Daniel ang shoulder ko. Tapos umiiling-iling.

"Victim ka cous!" tatawang si Michelle. Nainis ako sa kanila pinagkakaisahan ako ng mga baliw na ito.

"Practice lang naman yun naniwala agad si Kath" sabi ni Diego. Nagsalubong ang kilay ko.

"Easy..."bulong ni Daniel. "Huwag kang mahigh blood mahal" ginulo-gulo ang buhok ko. Naalala ko tuloy si Kuya sa kanya.

"Kasi naman bakit kayo nagpapractice ng ganyang mga bagay hindi kaya yan pwedeng gawing biro." sabi ko. Natahimik silang tatlo lalo na si Mich. Hindi ko alam ngayon kung may katotohanan ba yung sinabi niya dahil ilang sandali lang umiyak na ito.

"Mahal.. pinaiyak mo" bulong ni Daniel. Nanakot pa yata.

"Sssh babe naman" pag-aalo ni Diego sa nobya. Nawala ang inis ko ng umiyak na talaga si Michelle. Napalitan ito ng pag-aalala. Paano kaya kung buntis nga siya?

"Hindi ko kayang magtago kay Kath babe.. hindi ko kaya.." hagulhol nito. Napahawak ako sa noo. This is really a big problem. Bakit ba nila pinasok ito?

Gosh Mich is only 18 and Diegs is 19. Kaya na ba nila maging magulang? Hindi ko alam ang sasabihin sa kanila. Nanatili kaming tahimik hanggang dumating ang order namin. Nawalan na tuloy akong ganang kumain.

"Anong plano niyo ngayon?" tanong ni Daniel sa kanila. "Kasi kung sa amin nangyari yan ni Kath papakasalan ko na siya agad. Ititira sa maayos na bahay at magsisikap na maibigay lahat ng pangangailangan ng magiging anak namin. Pero Diegs, kaya mo na ba? Kahit piso nga hindi mo kayang kitain" prankang sabi ni Daniel sa kanya.

Napakuyom ang palad ni Diego parang nainsulto siya sa sinabi ni Daniel.

"Sa tingin mo ba hindi ko kayang panindigan si Mich? Kung kailangang magtrabaho ako gagawin ko dude. Mahal ko si Mich, kahit mahirapan kami gagawin ko." matigas na sabi nito kay Daniel.

"Babe.." mahinang wika ni Mich tapos niyakap niya ito.

"Iyan lang naman ang gusto kong marinig mula sa iyo. Hindi na iba si Mich sa akin, naging kaibigan ko siya at pinsan siya ng mahal ko. Tsaka magkaibigan tayo kaya sana hindi mo minasama ang nasabi ko." tapos tinapik niya si Diego.

"Kaw talaga Dude malupit." sabi nito.

"Sige orderin niyo na yung gusto ni Mich, baka mapano pa iyan. Sagot ko lahat" pagmamalaki ni Daniel. Pinisil ko ang kamay niya. Hindi ko alam ganito siya ka'caring na tao. Habang nagtatagal parang ayaw ko ng mahiwalay sa kanya. Si Daniel ang pinaka the best na lalaki na aking nakilala

"No dude.. nakakahiya naman meron pa naman akong pera" napakamot sa batok si Diego.

"Save it Diegs, mas marami pa kayong pagkakagastusan ni Cous" dugtong ko. Hinawakan ko ang kamay ni Michelle. "Hindi sa kinokonsenti ko ginawa niyo pero pinsan kita, hindi kita pwedeng pabayaan" nakita ko ang spark sa mata ni Mich. Alam kong masaya siya kahit napakahirap ng sitwasyon niya ngayon.

When Ugly Duckling turned into SwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon