Chapter Fourty Two - Where is Kath?

1.2K 21 3
                                    

I found my garments on the floor... Bigla akong kinabahan ng malupit. My God! nanginginig ako lalo na ng inihiga na niya ako sa kama.

Maraming sumasagi sa isip ko, paano kung ipaglayo kami ng tadhana? Paano kung mabuntis ako? I'm only 17 turning 18. Pwede naman siguro maghintay pa kami. Mali talaga ito, lalo na napakomplikado pa ng situation ng aming pamilya.

I slowly pushed him away and stare him right through his eyes. Slowly I opened my mouth to call out his name. Hindi naman siya namwersang pigilan ako.

"Daniel.." Nakipagtitigan narin siya sa akin, parang binabasa niya ang iniisip ko. Alam na niya siguro na nag-aalinlangan ako. That I can't do it. I am not yet ready.

He wants me and my body shivered, as if telling me I wanted him as well, but my mind keep interfering what this body wants. Huminga siya ng malalim at umalis sa aking ibabaw. Kumuha siya ng kumot at tinakpan ang aking katawan.

"Sorry.. I'm sorry baby love.." bulong nito sa akin. Bakit siya ang humihingi ng sorry? Dapat ako ang humingi ng sorry dito, hindi ba? Pangalawang beses ko na siyang tinatanggihan. Hindi parin ako umiimik. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Namuo ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Sa couch na ako matutulog mamaya, kung naiilang kang makatabi ako" sabi nito ng hindi parin ako nagsasalita. Tumayo na siya papalayo sa akin. He started to get my garments na nakakalat sa sahig.

"Please magsalita ka naman Mahal? Galit ka ba talaga? Sorry na nga!" he pleaded.

"Hindi ako galit sa iyo Sweet Love." sabi ko sa kanya ng mahinang boses.May lungkot parin sa mga mata niya. Naghihintay siya ng susunod kong sasabihin.

"Look, ako ang dapat mag sorry sa iyo, Sorry kasi hindi ko pa talaga kayang ibigay. Kung gusto mo akong iwan sabihin mo lang. Ayokong nahihirapan kita. Mahal na mahal kita kaso hindi ko pa talaga maibigay." naiiyak na naman ako.

"Ssshhh I told you huwag kang umiyak kasi pumapangit ka. Hindi kita minahal ng dahil lang sa Sex! Please tanggalin mo yan sa isipan mo. Ang hindi ko kaya ay ang mawala ka sa buhay ko. Kaya you don't have to think na iiwanan kita dahil lang dyan, kaya ko naman talaga maghintay" he wiped my tears at ngumiti sa kanya.

"I'm so lucky to have you" I told him while holding his hands.

"No, I'm the one who's lucky to have you" sabi niya at hinalikan ako sa forehead.

"Sige na kumain kana muna Baby Love" sabi nito. Tapos tumayo na isinuot ang shirt niya. Itinapon sa akin ang mga damit ko na pinulot mula sa sahig. "Magbihis ka kasi baka hindi ako makapagpigil" nakangising sabi nito.

"Kaya mo namang magpigil ehh kahit tumayo ako ngayon sa harap mo na walang suot." kantyaw ko. Tinitigan niya ako ng masama. Sa palagay ko hindi tamang magbiro ako ng ganyan sa isang lalaki.

"Aissh...Huwag mo akong hahamunin Miss Ilustre!" sabi nito na nakangisi.

"Oo na magbibihis na." Napabilis tuloy ang pagbihis ko.

Ngumiti siya sa akin."Banyo lang ako sandali" tapos kumindat sa akin. Gosh, kahit naiinis na siya sa akin nagagawa parin niyang magtimpi. Ganun talaga siguro kapag inlove. Napakasarap ng feeling mainlove!

Masaya akong kumain, napakasarap pala niyang magluto talaga. Kahit fried egg lang ulam ko parang lechon na. Sabi ko sa isip ko.

Prinsesang-prinsesa ang pakiramdam ko ngayon. Natigil ako sa pagsubo ng napansin ko ang phone ko. Nakasilent mode pala ito kaya hindi ko nalaman na tumatawag pala si Kuya Robi. So I give him a return call.

"Hello Kuya" tawag ko sa kabilang linya.

"Lil'sis I just wanna tell you na mag-iingat ka dyan, nakabook na ako ng flight papuntang America. Aalis na ako bukas, gusto sana kitang isama kaso tila bantay sarado sila na hindi ka makaalis ng bansa." bakas sa boses nito ang pagmamadali.

When Ugly Duckling turned into SwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon