21 - 30

1.1K 5 0
                                    

21. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
- sandok

22. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
- pluma o bolpen

23. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
- mata

24. Nang umaalis lumilipad, nang dumating umuusad.
- ulan

25. Buto't balat, lumilipad.
- saranggola

26. Munting tampipi, puno ng salapi.
- sili (pepper)

27. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.
- aso

28. Puno'y layu-layo, dulo'y tagpu-tagpo.
- bahay

29. Tungkod ni apo, hindi mahipo.
- ningas ng kandila

30. Eto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
- ang mga paa

BUGTONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon