91 - 100

1.1K 4 0
                                    

91. Hwakan mo ang buntot ko, at sisisid ako.
- tabo (dipper)

92. Mayroon akong alipin, mas mataas pa sa akin.
- sombrero

93. Ang bahay ni Isko, walang pinto, puro kwarto.
- kawayan

94. Isang balong malalim, punong-puno ng patalim.
- bunganga

95. Maganda kong senyorita, sunsun-sunson ang saya.
- puso ng saging

96. Tumakbo si Tarzan, bumuka ang daan.
- siper (zipper)

97. Kung gabi ay hinog, kung araw ay hilaw.
-bombilya

98. Dala niya ako, siya'y aking dala.
- sapatos

99. Isang butil na palay, puno ang buong bahay.
- ilaw

100. Nagdaan si Negro, namatay lahat ang tao.
- gabi

BUGTONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon